Kaya mo ba 'to? ‘Jumbo Hotdog’ Napiling Tugtog sa Libing dahil sa isang Hiling! - The Daily Sentry


Kaya mo ba 'to? ‘Jumbo Hotdog’ Napiling Tugtog sa Libing dahil sa isang Hiling!



Photo credit to the owners

Isa sa pinakamasakit na pakiramdam ang mawalan ng mahal sa buhay. Kaya naman sa mga huling sandali nila sa mundo ay pinaparamdam pa rin natin ang kanilang halaga sa pamamagitan ng pagbibigay pugay sa burol at libing ng mga ito.

Kalimitan sa paghatid sa kanilang huling hantungan ay ating pinatutugtog ang isang malungkot na awitin tanda ng ating pagpapaalam at paggunita sa kanila. Madalas rin na patugtugin ang paboritong kanta ng pumanaw o ang awiting hiniling nilang tugtugin sa kanilang libing.

Ngunit paano kaya na kung sa halip na malungkot ay isang masaya at pasayaw na awitin ang maririnig habang ang mga kaanak at kaibigan ay nagsasayawan at nagsasaya imbes na nag-iiyakan?


Ito ang pangyayaring naganap sa isang libing sa isang barangay sa Bacolod City noong nakaraang linggo, kaya naman talagang nasorpresa ang mga residente doon matapos marinig at makitang sumasayaw sa saliw ng 'Jumbo Hotdog' ang mga nakipaglibing.

Photo credit to Xerxes de la Banda | Facebook

Photo credit to YouTube


Ang kantang Jumbo Hotdog ay pinasikat ng grupong 'Masculados' at sinasabing sumisikat muli dahil ginawang 'dance craze' sa Tiktok.

Ang video ng kakaibang libing na ito ay ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Xerxes de la Banda na isa diumano sa mga nakasaksi ng pangyayari.

Imbis raw kasi na malungkot ang mga sumama sa parada ng karo ay nagmistula itong prusisyon ng piyesta dahil sa lakas ng pagpapatugtog ng naturang novelty song.

Photo credit to Xerxes de la Banda | Facebook

Photo credit to Xerxes de la Banda | Facebook

Ayon sa panayam kay Irene Lasquite, pinsan ng pumanaw na si Rocy Mae Lasquite, hiniling daw talaga ng kaniyang yumaong pinsan na gawing masaya ang kaniyang libing.

"Bago siya mawala sa mundong ito, gusto niya po kasi na happy lahat ng pamilya niya. Ayaw niya ng sad song kaya request niya yung TikTok song bago siya ilagay sa kalalagyan niya," ani Irene.


Kwento pa ni Irene, maagang pumanaw ang kanyang pinsan sa edad na 27 dahil sa isang auto-immune disease. At bago raw ito ilibing ay nagparamdam sa kanya na gusto nitong maging masaya ang kanyang mga mahal sa buhay sa kanyang paglisan.

Photo credit to Xerxes de la Banda | Facebook

Ayaw raw kasi nitong mag--iiyakan sila sa kanyang libing at hiling niyang maging masaya at ipagdiwang ang kanyang naging buhay sa mundo.

Kaya naman sa araw ng paghatid sa kanyang huling hantungan ay buong pusong sinunod ng kanyang pamilya at kaibigan ang kahilingan ni Rocy Mae.

Marami naman ang naaliw sa video ng kanyang libing, bilang kakaiba ito sa karaniwan, at ngayon nga ay trending na sa social media.

Narito ang trending Video. Panoorin! 



SourceBalitaXerxes de la Banda | Facebook