Isang street sweeper sa Malabon at magsasaka sa Quezon, kumubra ng tig-P100 milyon sa lotto - The Daily Sentry


Isang street sweeper sa Malabon at magsasaka sa Quezon, kumubra ng tig-P100 milyon sa lotto



Larawan mula sa Philstar na inilabas ng PCSO




Marami ang nagbabakasali sa mga Pinoy na manalo sa Lotto lalo na ang 6/55 na may pinakamalaking premyo na umabot na sa mahigit P341 milyon sa kasalukuyan na palaki ng palaki ang premyo hangga’t hindi ito napapanalunan.
 
Maliban sa 6/55 at mayroon ding iba pang maaaring tayaan sa Lotto katulad ng MegaLotto 6/45 at Ultra Lotto 6/58.

 
Noong June 17, 2022 ay isang babaeng street sweeper mula sa Malabon ang maswerteng naging instant milyonaryo matapos manalo sa MegaLotto 6/45.
 
Ayon sa inilabas na pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kinubra na umano ng tagawalis ng daan ang kanyang napanalunan na umabot sa halagang P103,269,281.60 matapos tamaan ang kumbinasyon ng mga numero sa 6/45 draw noong June 17.
 
Napaluhod daw at naiyak ang hindi makapaniwalang street sweeper nang malaman na tumama ang kanyang mga numero. Siya lang din ang nag-iisang nanalo kaya sa kanya lahat napuna ang mahigit P100M na premyo.
 
Batay sa impormasyon mula sa PCSO, 25 na umanong street sweeper ang babae at walang permanenting hanap-buhay ang kanyang asawa.
 

Larawan mula sa GMA Balitambayan


Araw-araw din siyang tumataya sa Lotto dahil isa siya sa nangangarap na maging milyonaryo at makaahon sa hirap.*

 
"Hanggang ngayon po, hindi ako makapaniwala. Umiyak po ako nang sobra–sobra," saad ng mapalad na babae sa kanyang pahayag sa PCSO
 
Plano raw niyang hatiin sa kanyang mga anak ang premyo, bumili ng bahay, bigyan ang mga kapatid at mag bigay ng donasyon sa simbahan.
 
Samantala, sa isang pahayag mula sa PCSO, sinabi nitong isang magsasaka mula sa General Luna, Quezon naman ang kumubra ng napanalunan nitong P100,064,568.00 mula sa 6/58 draw noong May 24, 2022.

 
Ayon sa 29-anyon na magsasaka, tinamaan niya ang mga lumabas na numero mula sa “lucky pick” system.




 
“Ang suwerte minsan, hindi natin aakalain kung kailan darating. Ang tanging magagawa na lang natin ay patuloy na sumubok at maniwala. Patuloy lang tayong manalig sa Panginoon," ayon sa pahayag
 
Kaya sa mga patuloy na nangangarap manalo sa Lotto, malay Ninyo, kayo na ang susunod na kukubra at mananalo sa 6/55 draw.