Isang magna cum laude graduate sa CamSur, inakusahang nangopya daw ng valedictory speech: "Hindi 'to basta "lang" nakakahiya." - The Daily Sentry


Isang magna cum laude graduate sa CamSur, inakusahang nangopya daw ng valedictory speech: "Hindi 'to basta "lang" nakakahiya."



Jayvee Ayen (kaliwa), Batch 2022 Top 1 at Magna Cum Laude graduate ng Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) at Mariyela Mari Hugo (kanan),  Cum Laude graduate naman ng Far Eastern University (FEU) noong 2019



Kalat na kalat ngayon sa social media ang isang video ng umano'y plagiarized valedictory address ng isang magna cum laude graduate ng isang kolehiyo sa Camarines Sur nitong July 2022, na kinopya daw niya mula sa valedictory speech naman ng isang cum laude na nagtapos naman sa isang kilalang pamantasan sa Maynila noong 2019.


Ang mga bida sa nasabing TikTok video ay si Jayvee Ayen ng Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship, at si Mariyela Mari Gonzales Hugo na nagtapos naman ng Bachelor of Secondary Education, Major in English ng Far Eastern University (FEU).



Kapansin-pansin na halos pareho ang mga salita at ang tono ng pagbigkas. Naiba lamang ito para maging akma sa sitwasyon kagaya ng kurso, taon, at lugar kung saan sila nag-aral at nagtapos.


“A magna cum laude who can't write his own speech. Hindi 'to basta basta "lang" nakakahiya.” Ayon pa sa caption ng uploader ng nasabing video na si @keiadreyes.


“Mariyela Mari Hugo (the one wearing green) is the original speaker and author. She's from FEU (july 2, 2019)" dagdag pa niya sa caption*




Nanawagan din ang uploader sa paaralan: “Camarines Sur Polytechnic Colleges, please do something about this.”


Narito ang bahagi ng speech ng dalawa na magkapareho:


Mariyela: “Lang. The short term for the Filipino word 'lamang' which means just or only.”


Jayvee: “Lang. A shortened Filipino word for 'lamang' which means mere, just, or only.”


Mariyela: “'Yan lang. Ito lang.”


Jayvee: “'Yan lang or ito lang.”


Mariyela: “Ah, MassCom lang, video-video, tapos endo after ng project. Management lang? Di ba, puro plan lang yun tapos magsusulat kayo dun ng mga number? Ah, alam mo ang hina mo, mag-Educ ka na lang kaya?”


Jayvee: “Entrep ka lang. Di ba, tinda-tinda lang 'yan? Office Ad ka lang. Ah, sulat-sulat, encode-encode lang. Tourism ka lang, usher-usherette, taga-smile lang. HM ka lang, di ba lutu-luto lang 'yan?”


Mariyela: “But what does this imply? Knowlegable people shouldn’t be teachers? I shouldn’t teach because I won’t get rich from it? Who should be teachers then?”


Jayvee: “Does this implies [sic] that intelligent people should not be in the field of hospitality, tourism, and business management?”


Mariyela: “Our profession is deemed unusual, impractical, easy.”


Jayvee: “Does this indicate that business management are [sic] impractical, basic, and easy?”


Mariyela: “I beg to disagree.” *


Jayvee: “I beg to disagree.”


Samantala, agad namang nagbigay ng pahayag ang pamunuan ng CSPC kay Mariyela kaugnay sa nasabing kontrobersya.


“The issue on the Valedictory Address of Mr. Jayvee Ayen has been dragging for days, especially in the social media/virtual world.


“A world we have to contend with aside from the real/physical one we have.


“A world that is sometimes more harsh than what we have in the daily grind.” Ayon sa panimula ng pahayag


Humihingi ang pamunuan ng CSPC ng tawad sa nagawa ni Jayvee na wala naman daw intensyong kopyahin at ideya ng talumpati ni Mariyela nang walang tamang pagkilala sa orihinal na may likha nito.



“With all that has been said and done and on behalf of Mr. Jayvee Ayen, we apologize to Ms. Mariyela Mari G. Hugo for the carefree attitude of Mr. Ayen in unintentionally copying the idea and style of her speech without proper attribution" ayon sa CSPC


Humingi din sila ng paumahin sa mga tao o grupo na maaaring naapektuhan sa pangyayari.


“We apologize to all other individuals and entities who may have been offended and affected by this issue.”


Marami man ang nag-alburutong mga netizens dahil kanilang napanood na video, marami din ang nakikiusap na sana ay palipasin na lang ito.