Wala ng mas deserving pa sa nag-uumapaw na pagpapahalaga at walang kapantay na pagmamahal ng mga anak kundi ang lahat ng mga magulang, ito'y buong pusong sukli sa mahabang panahon na pagsasakripisyo nila sa pagpapalaki ng maayos sa kanilang mga anak.
Sadyang wala ding mas makakapantay sa sakit at lungkot sa tuwing may mga pangyayari sa pamilya na nagawang pabayaan at pagkaitan ng kahit kaunting atensyon ang kanilang mga magulang.
Nagpaluha ngayon sa puso ng mga netizens ang isang viral post tungkol sa isang ama mula Panadtaran, San Fernando Cebu, na umano'y hindi na nagawang makapasok sa kanyang sariling bahay dahil sa sigalot ng pamilya at mga anak.
Ayon sa post ng DYLA Cebu Newsbreak, isang Lolo na si Mario Largo, 76-anyos ang tanging nasa labas na lamang ng gate ng kanilang bahay matapos umano itong hindi na pinapapasok ng mga anak sa sarili nitong bahay.
Larawan mula sa post ni Charlene Canoy Aliviado |
Ayon pa sa post ng pahayagan, byudo na sa buhay si Lolo Mario at may 12-na anak, isa rito ang nakapag-abroad na umano'y nagmamay-ari na ngayon sa bahay at lupa ng kanyang mga magulang.
Isang nagpapakilala bilang apo ni Lolo Mario na si Charlene Canoy Aliviado, ang siyang unang nagpost sa sitwasyon na pinagdadaanan ng matanda na tanging ang ibang anak nito at mga kapitbahay nalang ang tumulong para may makain at magamit itong higaan.
"Ito ang kasalukuyang sitwasyon ng aking Lolo na si Mario Largo matapos na ipinadlock ang bahay at hindi na siya pinapapasok," saad ni Charlene sa kanyang post.
"Malaking pasalamat namin sa mga kapitbahay na nagpapahiram ng payyong, folding bed at unan. Maraming salamat sa inyong lahat na tumulong." dagdag nito.
Larawan mula sa post ni Charlene Canoy Aliviado |
Ayon pa kay Charlene, ayaw din na umalis at iwanan ng kanyang Lolo ang bahay niya dahil gusto niyang doon lang tumira dahil andoon ang lahat ng ala-ala ng kanyang asawa na doon din pumanaw sa parehong bahay.
Pagkukuwento niya sa pahayagan, isa sa sandosenang anak ni Lolo Mario ang kasalukuyang na sa ibang bansa na siya rin umano ang nangangangking nagmamay-ari na ng bahay at lupa ng kanyang mga magulang dahil sa nakapagbigay daw ito ng halagang 20K na pirmado ng kanyang Lolo.
Ayon pa kay Charlene, ipinambabayad daw ang sinasabing 20K sa mga dating utang ng asawa ni Lolo Mario. Ngunit, ipinagdidiinan din ng matanda na wala umano itong natatandaang pinirmahan niya.
Aniya pa, suportado daw ng dalawang anak ni Lolo Mario ang kapatid nilang na sa abroad at sila rin ang nagsarado at nag-padlock ng bahay. Tanging ang ina ni Charlene, isa sa mga anak ng matanda na nakatira sa ibang Barangay ang siyang naghahatid ng pagkain sa kaniyang ama.
Larawan mula sa post ni Charlene Canoy Aliviado |
Dagdag pa niya na natatakot ang iba pang mga kapatid kasama na ang kanyang ina dahil pinagbawalan na silang makatuntong sa lugar at binantaang kakasuhan sila paglumabag.
"Ang iba nilang mga kapatid kasama na ang Mama ko, natatakot sila dahil kakasuhan daw sila. Kami na mga apo ay nag-aalala para kay Lolo dahil kung wala siya, wala rin kami dito sa mundo kaya sobrang nag-aalala kami sa problemang 'to,"
Lumapit na raw sila sa Barangay at sa Social Welfare Office ng lungso kaso wala rin daw nangyari. Kaya nais nilang ilapit kay Sen. Raffy Tulfo ang pangyayari.
Humingi rin si Charlene sa kanyang Facebook post ng tulong sa kung sino ang makakapagbigay sa kanilang ng payo kung ano ang nararapat nilang gawin.
Larawan mula sa post ni Charlene Canoy Aliviado |
"Manghingi lang ako ng payo sa ibang tao kung tama ba itong ginawa nila. Kung makatao ba ang ginawa nilang ito sa kanilang sariling ama? Please tulungan niyo kami kung ano ang dapat naming gawin. 🙏😭😭"
"Sana may makakatulong sa amin. #Mario Largo(LoLo) Laban lang tayo Lo. May Panginoon na nannunuod sa atin. Magtiwala lang tayo sa kanya na sana maging okay din ang lahat. Andito lang kami mga apo niyo, handa kaming tulungan ka at alagaan ka. 😭😭😭🙏🙏🙏,"
***
Source: DYLA Cebu Newsbreak, Charlene Canoy Aliviado
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!