Isang Ina, nakulong matapos mahuling nagnakaw ng panghanda sa kaarawan ng anak - The Daily Sentry


Isang Ina, nakulong matapos mahuling nagnakaw ng panghanda sa kaarawan ng anak




Hanggang saan kayang hamakin ng mga magulang lalo na ng mga ina ang lahat ng klaseng pamamaraan para sa kapakanan ng kanilang mga anak?


Lahat ng Ina walang ibang gusto kundi ang maibigay ang pangangailangan at ang mapasaya ang kanilang mga anak sa abot ng kanilang makakaya. Handa silang gawin ang lahat. 


Nagviral ngayon ang isang report tungkol sa pagkaaresto at pagkakulong ng isang single mom na sa kagustuhang mapasaya at ipagdiwang ng simpleng handa ang kaarawan ng kanyang anak ay  nagawa niyang magnakaw sa isang grocery store. 




Bago pa man siya makalabas sa establisyemento ng pamilihan sa may Cogon Market Cagayan, De Oro nasikop na siya ng isa sa mga security guard ng tindahan at doon na nakuha ang laman ng ganyang bag na puro mga pangdekorasyon at panghanda sa kaarawan ng anak.    


"Balloon ang mga kinuha niya, para daw sana to sa birthday ng kanyang anak at saka mga gatas at oil. Ang halaga ng kinuha niya ay P660.00," salaysay ni Greg, ang nakahuling guard sa kanyang pagpanayam sa pahayang Rmn dxcc 828.


"Bago pa man siya lumabas ng tindahan, may timbre na sa akin na bantayan ko siya. Ininform ako kung ano ang kanyang suot nakablack ng pantalon at nakadilaw at blonde yung buhok. 


Kahit pa sa pinakamaliit na halaga, at kahit ano pang maging rason ng pagnanakaw, ito'y isang malaking kasalanan sa batas.


 Humarap sa kaso ngayon at nakakulong ang isang ina, na walang ibang gusto kundi ang isorpresa sana ang anak sa kanyang pag-uwi.




Kahit pa sa pinakamaliit na halaga, at kahit ano pang maging rason ng pagnanakaw, ito'y isang malaking kasalanan sa batas.


 Humarap sa kaso ngayon at nakakulong ang isang ina, na walang ibang gusto kundi ang isorpresa sana ang anak sa kanyang pag-uwi.


Ayon pa kay Greg, maaari pang ayusin ang lahat basta makapagbayad ang ginang ng sampung halaga ng ninakaw niya. 


"Ang order ng management, sasampahan talaga siya ng kaso pag hindi siya makakapagsettle. Pwede pa niya tong bayaran. Kung makapagbayad siya ng x10 sa halaga ng kinuha niya," 


"Kahit saang mga kompanya, meron talaga silang mga policy na kung merong shoplifter x10 talaga. Kung makapagsettle naman siya, papakawalan naman siya ng kompanya. P6600 ang lahat na babayaran niya." dagdag niya. 






Marami ang nahabag sa kinahinatnan ng isang ina na sinapit ang pagkakulong dahil sa pagmamahal niya sa anak. Ngunit payo ng maraming ina, na maaring maipagdiwang ang kaarawan ng mga anak kahit walang pera at handa, ang mahalaga ay puno sila ng pagmamahal at pagabay upang kanilang maunawaan ang sitwasyon.  


Bumaha din ng mga komentong handang tumulong sa ginang at sasagutin ang mga babayaran niya sa pagkakulong. May mga gusto ring sagutin ang panghanda at pang regalo para sa kanyang anak.  


***

Source: Rmn dxcc 828

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!