Isang Grab driver, ibinalik ang P1.6M na perang naiwan ng kanyang dayuhang pasahero na nagkamali ng sakay - The Daily Sentry


Isang Grab driver, ibinalik ang P1.6M na perang naiwan ng kanyang dayuhang pasahero na nagkamali ng sakay



 
Screenshot mula sa video ng ABS CBN




Labis-labis na papuri ang binigay ng mga netizens dahil sa kahanga-hangang ginawa ng Grab driver na si Juan Carlos Martin na taga Tondo, Maynila. 
 
Hindi nagpa bulag sa pera si Martin matapos niyang ibalik ang  tumataginting na ₱1.6M na naiwan ng kaniyang pasaherong dayuhan, sa loob ng kaniyang minamanehong sasakyan.
 

Hindi siya nagdalawang isip na hanapin ang may ari nito at nakipag ugnayan siya sa mga awtoridad upang maibalik ang pera na noong una ay hindi pa niya alam kung magkano ang kabuuang halaga.
 
Ayon sa ulat, Miyerkules, Hulyo 20 at pasado alas otso ng gabi nang may magpa book sa kanya na ang pick-up point ay Parañaque City at sa SM Mall of Asia naman ang drop off point.
 
Hindi pa daw nakakalayo si Martin nang sabihan siya ng  pasaherong dayuhan na bumalik sa lugar kung saan siya nito sinundo. Sumunod naman ang driver dahil akala daw niya ay mayroong naiwan na gamit ang babae.
 
Matapos bumalik sa nasabing lugar ay sinabihan na siya nito na umandar na at ibigay ang bag sa kanyang kabigan na siya talagang pasahero niya dapat. *


Screenshot mula sa video ng ABS CBN


 
Sinunod naman ng driver ang sinabi ng dayuhan, nang maka abante ay pumara sa kanya ang dalawang Chinese na lalaki, sa pag-aakalang ito ang tinutukoy na mga kaibigang kukuha sa bag ay tuloy-tuloy lang si Martin papunta sa destinasyon.
 
Ngunit ang pinagtaka ni Martin ay hindi kinuha ng dalawang Chinese ang bag na iniwan sa kanya. Kalaunan ay nagpag tanto na ng Grab driver na nagkamali ng sakay ang babaeng dayuhan sa kanyang sasakyan, at ang nagbook talaga sa kanya ay ang dalawang lalaki.
 
Naisip din ni Martin na baka may illegal na bagay sa loob ng bag na iniwan sa kanya kaya naman minabuti niiyang tawagan ang kanyang kumpanya  at ang kaibigang pulis.
 
 
"Humingi na lang ako ng tulong sa company na pinagtatrabahuhan ko ... pagdating po du’n ... sa Makati, sarado na ata nu’ng time na ’yun ... Papunta na ako sa Marikina, tumawag po ako sa kaibigan kung pulis na humingi po ako ng tulong. Sabi ko ano ba ang gagawin ko may naiwang pera sa akin malaking pera," ayon kay Martin sa isang panayam 
 

Minungkahi umano  ng kanyang kaibigang pulis na dalhin nalang sa Manila Police District ang bag.
 
At pagdating niya sa istasyon ay naroon na rin pala ang babaeng nakaiwan ng bag sa loob ng kanyang sasakyan at napaiyak pa ito sa tuwa nang makita siya.
 
Sa istasyon na rin ng pulis napag alaman kung ano ang laman ng bag at kung magkano ito.