"My father is really the best!"
Humanga ang mga netizens ngayon ng isang video na nagviral sa social media tungkol sa isang anak na nagtapos ng kanyang pag-aaral at bilang pasasalamat niya sa lahat ng suporta at sakripisyo ng ama ay sinorpresa niya ito ng kanyang mga natanggap na medalya.
Sa kuhang video na inupload ni Sheila Bartolaba Rebayla, dumiretso sila pagkatapos ng kanilang graduation sa construction site kung saan nagtatrabaho ang kanyang ama na si Leonardo Rebayla.
Sakto nilang naabutang naglilinis ang ama sa pinagtatrabahuhan at tila nagulat pa ito nang makita ang anak na dali-daling lumapit sa kanya ang isinabit ang mga nakuha nitong mga parangal bunga ng pagsisipag nito sa pag-aaral.
"Although I am aware that I still have a long way to go, I want to thank you for always being our pillar of strength, cheerleader, and staunchest ally," saad ni Sheila sa kanyang post.
Ayon pa kay Sheila, hindi nagawang makadalo ng kanyang ama sa kaniyang graduation rites dahil sa trabaho nito, ngunit buong puso niyang ipinapaabot ang kanyang pasasalamat at inihandog ang mga awards niya bilang pagpapahalaga sa mga pagsasakripisyo nito para sa kanyang pag-aaral.
Ibinabalik lang niya ang nararapat na pagpupuri sa kanyang mga magulang na deserve na deserve makatanggap ng pagpapahalaga.
"I couldn't be where I am right now if not for his sacrifices. Same also for my mom. They all deserve credit for these accomplishments," ani Sheila
Aniya pa utang niya lahat ng mga natamo niyang tagumpay bilang isang estudyante sa walang sawang pagsisiskap ng amang si Leonardo.
"My father is really the best. I couldn't be where I am right now if not for his sacrifices. Same also for my mom. They all deserve credit for these accomplishments. Above all, God deserves all the glory and honor." dagdag ng estudyante.
"He couldn't make it to my completion ceremony because he was working, and so only my mother and relatives made it to the ceremony.
"Honestly, I did not intend to make this video go viral to the public because I only took it as a piece of documentation. I hung those medals on my father as a piece of appreciation and offering.
***
Source: Sheila Bartolaba Rebayla
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!