Screencap mula sa post ni Rosanne Pugal | Home Buddies |
Buong pagmamalaking binahagi ng netizen na si Rosanne Pugal ang naging achievements ng kanyang anak na babae nae dad 15 anyos.
Kahit menor de edad ay naipagawa niya ang sariling nilang bahay para sa mga magulang at naging breadwinner pa simula ng magkaroon ng pandemya. Ito ang kwentong binahagi ng proud nanay sa isang sikat na group sa Facebook, ang Home Buddies.
Ayon sa post ni Rossane sa Home Buddies, pinatayo ng anak ang kanilang bahay at ito ay may lot area na 36 square meter, may dalawang palapag at may roof deck. Apat umano ang mga silid sa loob at dalawang toilet and bath.
Hindi raw sila makapaniwala sa sobrang pagka madiskarte ng kanyang anak at nagulat pa sila nang pinag open sila nito ng bank account.
“My daughter kasi ay napaka-madiskarte at talented, nagulat na lang kami nang pinaglalakad niya kami ng bankbook kailangan niya kasi dahil na-monetize na raw ang YT channel niya, na nagsimulang gumawa ng content noong August of 2020,” ani Rosanne.
Dahil sa pandemya ay nawalan ng trabaho ang mister ni Rosanne pero dahil sa kinikita ng anak sa pagba-vlog ay ito ang kanilang naging breadwinner.*
Screencap mula sa post ni Rosanne Pugal | Home Buddies |
“Masasabi kong sinuwerte at biniyayaan kami ng Panginoon, sa simpleng pinagkakaabalahan pala ng anak namin eh makakapagpatayo kami ng sarili naming bahay. Kami ng asawa ko ay may maliit na tindahan ng street foods, nag-iipon kami ng pampagawa ng gate dahil naloko kami ng nakuha naming welder dahil substandard tinipid ang materyales na ginamit.”
Kahit abala sa kanyang vlog ay hindi naman daw nakakalimutan ng anak ang kanyang prayoridad, ang kanyang pag-aaral at sa katunayan ay may award pang nakuha ang anak.
Maliban sa pagpapagawa ng kanilang bahay ay nakapag pundar na rin ang kanyang anak ng furnitures at talagang madiskarte ito dahil mayroon pa siyang online business.
“This is not to brag, sobrang proud lang po sa na achieve ng anak namin na sa edad na 14 lang kasi siya noong nagsimula ang construction noong January at ngayon at the age of 15, grade 9 student may sarili ng bahay,” ayon pa sa proud nanay *
Screencap mula sa post ni Rosanne Pugal | Home Buddies |
“Lahat po ng pera niya sa YouTube sinave po namin kasi gusto niya po talagang mapagawa muna ang bahay namin dahil binabaha po ang loob ng bahay namin pag maulan,” ani Rosanne.
Ayon pa sa Balita Online, pinursige ng anak ni Rosanne na ipagawa at patayuan ng ikalawang palapag at roof deck ang kanilang bahay dahil binabaha ito noon kapag umuulan.
“Marami rin po akong kakilala na bata na nagpupursige rin pong makatulong sa pamilya, yung iba nagbebenta online. Si Love po kasi bata pa lang marunong na maghanap ng pera, grade 3… grade 4 nagtitinda na po siya ng lollipop sa school, nag-iipon ng mga karton para dalhin sa junkshop ganoon po siyang bata…” paglalahad pa ni Rosanne
Screencap mula sa post ni Rosanne Pugal | Home Buddies |
Mensahe pa ni Rosanne sa mga kabataan, matutong mag-kusa at magtipid, huwag mag luho lalo na kung nakikita nila na tagilid ang kabuhayan ng pamilya.