'Ipinadampot at pinalabas ng gate dis oras ng gabi!' Guanzon, inilahad ang panig ng dating mga kasambahay nila Ruffa Gutierrez - The Daily Sentry


'Ipinadampot at pinalabas ng gate dis oras ng gabi!' Guanzon, inilahad ang panig ng dating mga kasambahay nila Ruffa Gutierrez




Inaabangan ng marami ang mainit na palitan ng mga patutsada ng actress-beauty queen Ruffa Gutierrez at ng dating Comelec commissioner Rowena Guanzon, ito'y tungkol sa di umano'y pagpapalayas ng aktres sa dalawang kasambahay na hindi pa pinapasahod. 


Ngunit, mariin naman itong pinasinungalingan ni Ruffa dahil nagkusa at ginusto naman daw ng dalawa ang umalis dahil sa pang-aaway umano nila sa iba pang kasamahang naninilbihan sa kanila. 


 At sa naging salaysay ni P3PWD Rep. Guanzon sa panayam nito kay Ogie Diaz na ipinalabas sa kanyang YouTube channel na 'Ogie Diaz Showbiz Update' inilahad nito lahat ng panig ng mga kansambahay at tila magkaibang bersyon ng kwento ang lumabas. 



"Kasi yung friend ko tumawag sa akin last night, kasi nga yung mga auntie ng helper niya nandoon sa bahay ni Ruffa Gutierrez nagtatrabaho as house helpers,"



"So totoo pala ang sabi sa akin, ng kamag-anak nila na dalawang linggo palang sila jan kay Ms. Ruffa Gutierrez. Pero talagang overwork sila, kaya nagpaalam sila Monday pa gusto na nilang umalis, pero ayaw silang payagang umalis,"


"Sabi nila binawalan silang umalis. Syempre saan naman sila lalabas eh, mga taga baryo nga yun. Pano sila lalabas ng village on their own... eh mawawala yun," 


"1-week lang, gusto na nilang umalis at hiningi nila ang sweldo nila, ayaw sila pauwiin ng Monday. So dalawang linggo sila dun, at sabi nila hindi sila nakatanggap ng sweldo. Nagpaalam silang umalis ayaw silang payagan,"




"Siguro nag communicate na sila, nagtext na sila sa pamangkin nila sa pangyayaring ito kaya ito umabot sa akin. Sinabi raw ni Ruffa Gutierrez, hindi kayo aalis ngayon..Monday ngayon, antayin niyo ako sa Thursday,"


Sa kadahilanang 'overwork' ang dalawang kasambahay, nagpumilit  na daw talaga silang magpaalam na aalis na ngunit ikinagalit na umano ito ni Ruffa at ipinapa-refund sa kanila ang kanilang ipinamasahe papunta sa bahay ng aktres at sa kagustuhan makaalis, isinauli naman daw ng dalawang kasambahay ang pera.  


Ayon kay Guanzon, kababayan niya ang dalawa sa probinsya ng Kabangkalan, Negros Occidental kaya sa kanya daw ito nanghihingi ng tulong. 


"Last night, nag-insist silang aalis nalang sila talaga kinaumagahan, the morning after. Nagalit daw sa kanila. Pinarefund, pinasauli yong  refund ng papamsahe nila. So sinauli naman nila, basta lang daw makaalis sila,"



"So nagalit sa kanila, tumawag ng security guard si Ms. Gutierrez, tapos yung dalawa..take note these two girls are from the remote barangay of Kabankalan City, Negros Occidental they hardly speak Tagalog, they don't have relatives there except their pamangkin who is also a kasambahay inside Ayala Alabang. Other than that, wala na silang kilala, where will they go naman in the middle of the night.




"So nagalit daw and sinabi, "ngayon na kayo umalis, lumayas na kayo nagyon na!". Tumawag ng security guards, kinuha sila ng security guards at ang order ay iban sila sa village," 


"Ito namang security guards, ang plano ay dalhin sila sa police precinct, buti nalang hindi nila dinala doon. Nilabas nila sa gate at sinabing bawal na kayong pumasok dito,"


Ani Guanzon, agad naman daw pinuntahan ng pamangkin na namamasukan din sa parehong village and dalawang kasambahay, marahil wala naman daw itong mga alam sa lugar dahil mga taga probinsya at gabi pa noong silay pinalayas.  




"Buti nalang yung kamag-anak nila na inside Ayala Alabang, sinundo niya sa labas ng gate at ang sister ng amo niya, employer niya ay dumating kasi nga di na sila pwedeng matulog inside Ayala Alabang,"


"So sinundo sila ng sister ng employer nung pamangkin nila, who happens to be my sorority sister so gumising ako. Smart naman tong pamangkin nila, before sila pinalayas doon, pumunta na pala ng police station ng maaga pa at nagpa blotter na, na yong mga auntie niya ayaw palabasin ni Ruffa Gutierrez at nagparecord din sila sa Barangay," 


"Kaya siguro Ms. Gutierrez is mentioning something like my lawyers are on top of it na po...maybe she already knows na may mga police blotter na," 


Saad pa ni Guanzon, magrereklamo ang dalawang kasambahay sa DOLE dahil sa wala silang natanggap na sweldo sa loob ng dalawang linggo at ang pinakarason ng pag-alis nila sa bahay ng aktres ay dahil sa sobrang pagod na daw ang mga ito.




"Alam ko po, magrereklamo muna sila sa DOLE, kasi pwede naman na ang DOLE ngayon eh. Kasi nga diba hindi sila sinuwelduhan for two weeks. And the reason is na aalis na sila is pagod na pagod na talaga daw sila. 


"Lalo na yung isa na laging dinadala pa sa mga taping, so gabi darating umaga na. Ayaw nga eh, alam mo mga kasambahay, hindi po talaga tatagal yan, tao po yan hindi po yan makina," 


"Uma-attend sila ng taping hanggang umaga. Sometimes daw natutulog sila sa labas ngn kwarto, nakaupo in case tatawagin pa sila. I think Ms. Gutierrez cuold just really reflect on it,"


Nag-iwan rin ng mensahe si Guanzon sa mga employer na may mga nararanasang pangyayaring katulad ng dalawang kasambahay, na payagan nila kung gusto ng umalis dahil nasa batas ito.



"Payo ko sa inyong lahat, bilang dating propesor ng batas at dati rin po akong nagpractice. Alam niyo andami pong taong lumalapit sa amin para humihingi ng tulong,"


"Kung gusto pong umalis, meron po tayong batas hindi po ninyo pwede pigilan yan kung gusto na umalis kahit may utang pa sa inyo kailangan umalis,"


"So kung ayaw na ng kasambahay at gusto ng umuwi, pauwiin niyo po. 'Wag niyo naman paalisin sa bahay ng hating gabi, lalo na mga taga probinsya nga wala namang pera yan sa bulsa, di pa marunong yan siguro mag tagalog," 


"It's not about money, it's about this poor people don't want to work for them anymore, gusto ng umuwi, umalis. Sana pinaalis lang po ng maayos, hindi yung itapon niyo nalang sa labas ng gate at i-ban niyo sa village niyo,"

 


Nagpost din si Guanzon sa kanyang social media account, at sinabing obligasyon niyang tulungan ang mga taong nanghihingi sa kanya ng tulong lalo na ang mga walang boses.


"I'm trying to explain it factually like a lawyer, that's the best I can give. Those are the facts that are admitted. They already knows that is going to be a legal process. At the very least, it will be a labor issue for back wages,"


"At kung ako abogado niyo, bat naman ipinasauli pa yong pamasahe, eh pumunta nga diyan sayo dahil sabi mo magtrabaho sayo bakit mo kinuha ulit yong pamasahe dahil aalis sila? It's unfair. That's should be part of the back wages claim." 



Binigyang diin din ni Guanzon na wala siyang problema at masamang hangad laban kay Ruffa, at kung tutuusin ay hinahangaan pa niya ang aktres dahil sa pagiging single mother at mag-isang pagpapalaki sa dalawa nitong anak nito na sina Lorin at Venice.


"Mga kababayan, kailangan lang po...truth lang po. Yung totoo lang dahil ako wala naman akong malisya dito kay Ruffa Gutierrez. I heard also before she was a b@ttered woman. And you know me, I work very hard on the draft of that Anti-vi0lence against w0men and children act,"



"And I admired her for she raised her daughter on her own. Kahit ang yaman-yaman nung biological father. Wala akong malisya kay Ms. Gutierrez,"


Matatandaang inilabas kamakailan ni Guanzon sa isa niyang tweet upang tanungin si Ruffa kung may katotohanan ang balitang umabot sa kanya tungkol sa dalawa nilang kasambahay, na pinabulaanan ng aktres at dito na nagsimula ang palitan nila ng mga pasaring.  


***

Source: Ogie Diaz Showbiz Update

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!