Imbis na pagsilbihan, isang Arabo ang malugod na nag-sandok ng masarap na pagkain para sa kanyang kasambahay. - The Daily Sentry


Imbis na pagsilbihan, isang Arabo ang malugod na nag-sandok ng masarap na pagkain para sa kanyang kasambahay.



Madalas nating naririning o nababalitaan ang mga hindi kanais nais na balita at kwento tungkol sa mga kababayan nating OFW, kung saan nakakaranas sila ng mga pagmamamlupit o pagmamalabis mula sa kanilang mga ibang lahing amo.

Ang mga tinaguriang 'bagong bayani' na minsa'y napagbubuhatan ng kamay at kung minamalas ay umaabot pa sa panghähaläy. 




Ngunit taliwas sa mga nabanggit, isang among arabo ang hinangaan ng marami dahil sa pagpapakita nito ng pagpapahalaga sa kaniya umanong kasambahay.

Kita sa bidyong ibinahagi nito na imbis na siya ang pinagsisilbihan ay siya mismo ang nagsasandok at naghahain ng pagkain sa tauhan nito.

Bibihira ang ganitong tagpo dahil sa karanasan ng iilan ay hindi pinapayagan ng kanilang mga amo na sumabay sa pagkain nila ang kanilang mga katulong o serbedora.

Minsan nga raw ay iba ang pagkain ng amo sa pagkain ng kanilang kasambahay.

hamad66677 | TikTok

hamad66677 | TikTok


May iba namang nagsasabi na tira-tirang ulam lang ang kanilang kinakain dahil hindi na pinapayagan ang mga ito na magpunta ng kusina o magbukas ng refigerator kapag tapos na ang oras ng pagkain.

Ngunit ibahin niyo ang bossing na si Hamad o kilala bilang hamad66677 sa TikTok.

Hindi siya isa sa mga masusungit o mapang alipustang amo ng mga OFW sa ibang bansa.

hamad66677 | TikTok

hamad66677 | TikTok


Isa man siyang chef sa kanyang pinagtatrabahuhan, hindi doon nagtatapos ang kanyang pagsindi ng kalan.

Dahil maging sa bahay ay nagluluto rin ito ng pagsasaluhan 'di lang ng kanyang pamilya, ngunit para din sa lahat ng tao sa kanilang tahanan.

Makikita rin sa video na nauna pa nitong sandukan ng napakaraming kanin at ulam ang kaniyang kasambahay bago pa ang kaniyang mga anak.

hamad66677 | TikTok

hamad66677 | TikTok


Panay bungisngis naman ang babaeng bulinggit sa kanyang tabi habang namimigay ng pagkain si hamad.

Hindi naman ito ang unang beses nating makakarining ng ganitong klaseng kadakilaan ng isang amo, ngunit hindi maikakaila na napaka-swerte naman talaga ng isang manggagawa kapag ganitong amo, ang natapat sa kanya.

Ang hinihinalang ulam nila na Chicken Kabsa ay itinuturing na pambansang ulam ng Saudi Arabia at karaniwan ding hinahain sa mga bansa sa Arabian peninsula.

hamad66677 | TikTok