Napaka priceless na feeling! 'Yan ang paglalarawan ng aspiring beauty queen Helene Budol o mas nakilala bilang "Hipon" nang ito'y magbigay tulong sa Missionaries of the Poor sa San Andres Bukid Manila.
Dahil sa charity event na ito, aksidenteng natagpuan ng mga kaanak ang isang pasyente na naninirahan sa nasabing institusyon.
Kinilabutan pa nga dahil dito si Herlene, sino ba nga naman ang mag-aakalang magiging daan pa ang kaniyang pagtulong sa kapwa, upang muling magkasama-sama ang isang matagal nang nagkawalay na pamilya.
Sa mga larawan na ibinahagi ni Hipon, nakasama nito ang matagal na raw nawawala na si Mang Danny Marquez (naka-kulay green na t-shirt), positibo itong kinilala ng isang Real Aneth Florendo na nagpakilalang isa sa mga matagal ng naghahanap dito.
Herlene Hipon Budol | Facebook
Herlene Hipon Budol | Facebook
"Thank you so much po sa ’yo madam na nakita namin s’ya na buhay pa, ang buong akala po namin matagal na s’yang patay." Ani Real Aneth.
"Danny Marquez po siya, tubong Bikolano. Siya po ay naninirahan sa’min ng higit sa 35 years. Isang araw nagulat po kami naglayas siya."
"Yon nga po may nagpost din sa kanya noon at hinahanap kami. May sakit na siya noon," pahayag ni Real Aneth.
Herlene Hipon Budol | Facebook
Herlene Hipon Budol | Facebook
Agad naman daw na nakipag ugnayan ang kandidata ng nalalapit na Binibining Pilipinas 2022 sa charity team ng prestihiyosong patimpalak upang matunton ang kinaroroonan ng mga pamilya ni Mang Danny.
Mismong siya ay napabilib sa sarili dahil sa pambihirang pangyayaring ito na siya namang ipinagpasalamat niya sa Panginoon at sa kanyang namayapang Nanay Bireng.
"OMG..tumaas po balihibo ko. akalain mo yung sa simpleng pag tulong ko ay may isang pamilya tayo mapagbubuklod buklod at muling makakasama ang isa't isa."
Herlene Hipon Budol | Facebook
Herlene Hipon Budol | Facebook
"Gusto ko etong ma witness at ma meet yung nag comment at kasama uli si Tatay Danny sa Missionaries of the Poor."
Nasabi rin ni Herlene na marami itong napagtanto sa pagsali sa Binibinibg Pilipinas. Para sa kanya hindi lang ito batayan ng ganda, malalaman mo rin ang iyong layunin sa buhay tulad na lang ng mga ginagawang pagtulong nito sa mga nangangailangan.
Herlene Hipon Budol | Facebook
Herlene Hipon Budol | Facebook
Source: Herlene Hipon Budol | Facebook