Ang sarap tumulong at gumastos lalo na pag sa sarili mong pamilya ang nakikinabang, tiyak walang makakatumbas sa mararamdaman mong saya kung alam mong nakakatulong ka at masaya sila.
Normal na para sa karamihang pamilyang pinoy ang pagtutulungan sa mga gastusin at bayarin sa loob ng isang bahay, lalo na kung sino ang may trabaho at kumikita, kadalasan sila ang umaako ng malaking parte ng obligasyon.
Ngunit, hanggang kailan tatagal ang ganitong set-up kung alam mong parang ikaw nalang lagi at inaasa nalang sayo ang lahat, kahit halos nasaid kana at ikaw ang buong pagkatao mo ay naubos na, pero tila wala kang natatanggap na kaunting pagpapahalaga at pag-iintindi kahit sa sarili mong pamilya.
Piniling itago ni letter sender ang kanyang pagkatao mula sa mga netizens na makakabasa ng kanyang kwento, ito'y tungkol sa kakaibang trato ng kanyang mga magulang sa kanya bilang panganay sa tatlong magkakapatid.
Napagtapos niya ang sarili bilang isang working student at habang nag-aaral ay tumutulong na sa mga magulang at pangangailangan ng pamilya. Mula nang kumikita na siya, pasan niya na lahat ang mga gastusin nila. Maging pagpapaaral ng mga kapatid, pagpapaayos ng bahay, pagpapagamot sa magulang kargo niya.
"Ganito ba talaga maging panganay? sobrang nakakapagod,"
"Minsan gusto ko na mamatay dahil sa kakaisip ng mga dapat bayaran sa bahay, bills at mga utang. Sobrang napagod ako. Di ko alam bakit ganito nararamdamam ko tumatanda ako na walang ipon, nakaka pressure on 30's magiging 31 na ako tapos lubog ako sa utang. Di ko man gustuhin pero parang ginawa akon retirement plan ng magulang ko. Gusto kong takasan ang lahat at maglaho nalang,"
Narito ang kabuuan ng kanyang liham:
UNFAIR NA TREATMENT NG PAMILYA
#PayongKapeso
Admin please hide my identity. I'm 30 years and sa totoo lang struggle ako, wala ako makausap kasi kahit sa family ko sobrang sama ng loob ko, di ko alam kung kasalanan ba na mainggit ako at magdamot dahil sa nakikita ko sa kapatid ko, bakit iba ang treatment sakin 😞
Tumigil ako ng college nung 2008 and nag work dahil nawalan ng trabaho ang magulang ko, that time naging simula na maging provider din ng family, that time may 2 kapatid ako na nagaaral na tumulong ako suportahan dahil umaasa nalang sila sa pension ng father ko, ganito ang set up hanggang matapos ang elementary and highschool.
2015 nag decide ako na mag working student and finally nakagraduate ako nung 2018. Sariling sikap at hindi ako humingi ng tuition sa magulang ko dahil nakakuha ako ng loan sa bangko and the same time tumutulong ako sa bahay like bills, pag groceries and patinpag papagawa ng bahay. Almost lahat ng appliances sa bahay is ako na ang bumili.
Akala ko magiging okay na ang lahat dahil sa nasa college na sila pero sa totoo lang parang hindi sila maasahan sa bahay. Lahat ng bills ako pa rin ang nag babayad, pagkain pakiramdaman sino ang maglalabas. Tapos minsan kapag ayaw ng pagkain bumibili ng pagkain dahil hindi gusto ang ulam.
Sobrang natsress ako kasi pati mother ko parang inoobliga pa ako na magbigay sa bahay bakit ganon? Tumatanda ako na walang ipon. last pandemic nagkasakit lahat sa bahay, ako lang ang may work that time dahil nga sa lockdown, nagamit ko at halos na maxout ko ang credit card dahil iyon lang talaga ang inaasahan namin, 8 months na dito kami umasa.
Ngayon naiistress ako kasi yung isa kong kapatid nag uwi na ng asawa sa bahay pero parang okay lang sa nanay ko, samantalang kapag ako nag oopen up na gusto ko na mag pakasal, iniiba nya ang topic, sa sobrang inip na rin at di pag kakasundo namin ng gf ko nag hiwalay kami, nanghingi sya ng space. Blinock nya ako and recently nalaman ko buntis na sya sa bago nyang bf (4 months palang kami wala) 😞 Sobrang sakit bakit ganun).
Dahil sa stress bumagsak ang katawan ko at nagkasakit ako, napagastos pa ako sarili ko ng medyo malaki, dagdag pa ang problem ko sa taytay ko na na may pabalik balik na sakit at puro aburido na sa buhay.
This year din na approve ang housing loan na binabayaram ko ang equity for almost 3 years, pero naging problema din sakin dahil hindi ako makamove in dahil nga sa wala akong ipon, nasagad na nung kasagsagan ng lockdown.
Dumating ang time na kinausap ko ang mother ko at sinabi ko na baka pwede ang dalawang bunsong kapatid ko muna ang magbayad ng bills, pero sinabi na na nag aaral pa daw kasi yung dalawa 😞 , sinabi ko rin ang dahilan na possible mawala sakin ang bahay dahil di ko mabayaran ang past due pero parang wala lang sa kanya.(Di ko naman inexpect na tatanggapin nila kasi nung nalaman nila puro negative ang narinig ko na feedback sa magulang ko about sa kinuha kong unit)
Bakit ganun, parang unfair sakin ang treatment nila. Ganito ba talaga maging panganay? sobrang nakakapagod.
Minsan gusto ko na mamatay dahil sa kakaisip ng mga dapat bayaran sa bahay, bills at mga utang. Sobrang napagod ako. Di ko alam bakit ganito nararamdamam ko tumatanda ako na walang ipon, nakaka pressure on 30's magiging 31 na ako tapos lubog ako sa utang. Di ko man gustuhin pero parang ginawa akon retirement plan ng magulang ko. Gusto kong takasan ang lahat at maglaho nalang.
***
Source: CFO PESO SENSE
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!