Guro na nagmasalakit sa estudyanteng walang masuot na sapatos sa graduation, pinuri at nakatanggap ng parangal! - The Daily Sentry


Guro na nagmasalakit sa estudyanteng walang masuot na sapatos sa graduation, pinuri at nakatanggap ng parangal!




Guro, sila ang nagbabahagi ng kanilang mga karunungan at eksperto at ang humuhubog sa kaisipan at pagkatuto ng lahat ng mga itinuturing nilang hindi lang basta mga estudyante, kundi mga anak na nila. 


Umani ng mga papuri ang pagmamalasakit na ginawa ng isang pampublikong guro sa kanyang estudyante na nakita niyang ito lang ang nag-iisang naiiiba sa lahat ng mga nagmartsang estudyante na nagsipagtapos sa Pototan National Comprehensive High School. 


Nakita ni Gng. Cornelia Castor ang isa sa kanyang mga estudyante na nakasuot ng toga, ngunit walang maisuot na sapatos sa kanilang graduation ceremony, nagsuot na lamang ito ng sandals. 



Kaya hindi na nagdalawang isip pa ang guro na lapitan ang estudyante at hinubad niya ang kanyang sariling suot na sapatos at ibinigay ito sa dalagita para maisuot sa kanyang pagmartsa at pag-akyat sa stage.



“What I wanted was that she wasn’t going to be ridiculed when she goes up the stage to get her diploma. We know the situation of our students and their families, especially during this pandemic. They cannot just buy what they want,” 


Marami ang naantig sa tagpo na nagpapakita ng kabutihan at magandang halimbawa sa lahat ng mga guro, tunay ngang sila ang pangalawang magulang ng lahat ng mga mga-aaral, hindi lang ang kanilang mga karunungan ang ibinabahagi, kundi maging ang kanilang mapagmalasakit na puso. 


Manghang-mangha sa kanyang natunghayan at siyang nag-upload ng mga kuhang larawan na si Krissy Selorio, parent ng isang graduating student, at aniya'y karapat dapat lamang na makatanggap ng pagkilala ang kabutihan na ipinapakita ni Gng. Castro. 


"Five Stars ⭐⭐⭐⭐⭐for this  teacher!! my heart melts seeing her & her graduate! She took off her shoes in the midst of graduation march to give her student a chance to walk in the isle of Pototan Astrodome wearing her own black shoes!😢😢😢 You deserve a with highest honor medal maam!!♥️♥️♥️🎉🎉🎉🎉congratulations!♥️♥️♥️" 



Makikita sa mga larawan kung paano pinapahalagahan ni Gng. Castor ang  kanyang mga estudyante na kusang lumapit at inialok ang kanyang itim na sapatos para lang may magamit at hindi mapahiya ang estudyante na marahil ay walang masusuot sa kung ano ang kinakailangan. 


Hindi niya na iniisip pa ang sariling sa pagkakataong iyon kung siya naman ang mawawalan ng pangsapin sa paa, basta para sa kabutihan ng kanyang estudyante ay gagawin niya. 


Ayon pa kay Gng. Castor, hindi lamang siya na guro ang nagpahiram ng sapatos, marami silang mga kasamahan niyang mga guro sa school ang hindi ipinagdamot ang kanilang mga suot na sapatos para lang may mai-martsa ang kailang mga mag-aaral.  



Dagdag pa niya sa isang interview, sinubukan naman din umano ng estudyante ang manghiram ng masusuot na itim na sapatos, ngunit wala silang nahiraman at dahil walang pinagkakakitaan ang ina at nagtatrabaho bilang construction worker naman ang Tatay niya, hindi nila kayang bumili ng bagong sapatos, kaya kahit daw nahihiya, nagsandals nalang ito maka-attend lang sa kanilang graduation. 



Dahil sa malasakit at pagmamahal na ibinigay niya sa isang mag-aaral ay ginawaran siya ng parangal mula sa kanilang paaralan, na siyang tunay niyang ipinagpapasalamat. 




"My Heartfelt thanks to my Deped Family most especially to Ma'am Ma. Luz Delos Reyes our Iloilo Division Schools Superintendent for awarding me this certificate plus Cash. Also to Ma'am Remia , Sir Resty Margarse our School Principal, Ma'am Cynthia Piller and  Ma'am Marites Torres our Asst. School Principal and also to my Co teachers at Pototan National Comprehensive High School. I love you all," 


Marami din sa mga dating mag-aaral at mga nakakakilala kay Gng. Castor ang pinatunayan kung gaano kabait na guro na parang magulang na nila.  


***

Source:   Krissy Selorio

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!