|
Ruffa Gutierrez (Instagram) and ex-Commissioner Rowena Guanzon (Philstar) |
Matapos magbigay ng paliwanag ng aktres na si Ruffa Gutierrez tungkol sa napabalitang pagpapalayas niya ng dalawang kasambahay ay hindi pa rin ito pumasa kay dating Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon.
Ang isyu ay nag-ugat nang ibuking ni Guanzon na pinalayas daw ni Ruffa ang dalawa nitong katulong nang walang sweldo.
Ayon sa naunang post ni Guanzon, iniligtas umano ng kanyang kaibigan ang dalawang kasambahay na itinapon ng kanilang amo sa isang first class village nang hindi nagbabayad ng kanilang mga suweldo.
Bagama’t hindi pinangalanan ni Guanzon ang nasabing indibidwal, nitong July 8 ay tinanong niya si Ruffa sa isang tweet;
“Ms. Ruffa Gutierrez, is this true?”
Sumagot si Ruffa sa tweet at sinabi niyang hindi ito totoo, iginiit niyang kusang umalis ang dalawa dahil hindi nito nakasundo ang iba niya pang mga kasambahay.
"Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave." aniya pa
Ayon pa kay Ruffa, masyado siyang busy dahil sa shooting ng ‘Maid in Malacañang’ at ang mga abogado na niya ang umaasikaso sa pangyayari.*
Ngunit sa kabila ng sagot ni Ruffa ay hindi pa rin dito natatapos ang pakikipag-bardagulan ni Guanzon at muli na naman niyang binanatan ang aktres.
Sa sagot ni Ruffa ay tinawag niyang ‘Ms. Guanzon’ ang dating Comelec commissioner na tila hindi nito nagustuhan.
“Hello Ms. Guanzon, No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe.” Ani Ruffa
“That Ruffa Gutierrez must learn to say ‘Congresswoman.’ Hahaha! You call me cong or I will call u something else. Sige ka #Bardagulan,” ang naging sagot naman ni Guanzon sa isa niyang Twitter post nitong July 8
Si Guanzon ay humalili bilang first nominee ng P3PWD party-list bagama’t nakabinbin pa rin sa Supreme Court ang kanyang pag-upo sa nasabing pwesto dahil sa inihaing petisyon laban dito.