Walang imposible sa pag-abot ng mga pangarap basta may sipag, tiyaga at tamang diskarte sa buhay. Ito ang pinatunayan ng full time working student na si Francis Jan Ax Valerio, kung saan pinagsasabay-sabay niya lahat ng pwedeng mapagkakakitaang trabaho at ang kanyang pag-aaral para mapabuti ang sitwasyon ng kanyang pamilya.
Dahil sa pagpupursige at hindi pagsuko sa lahat ng hamon, masaya niyang ibinahagi ang matamis na tagumpay ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo bilang isang Magna Cum Laude sa kursong Communications sa Adamson University.
Nauna ng nag-trending at pinusuan ng mga netizens si Francis noong 2020, kung saan habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang trabaho bilang isang delivery rider ay pumaparada muna siya sandali para lang maka-attend ng kayang online class. Hindi niya alintana ang pagod at sa posibleng pagkakasakit sa pabago-bagong klima ng panahon.
Magkahalong saya at pagtulo ng kanyang mga luha dahil hindi siya makakapaniwala na sa kabila ng lahat, nakapagtapos siya with academic distinction.
“Sulit ang pagbibilad sa ilalim ng tirik na araw, sulit lahat ng luha kasabay ng pagbyahe sa gitna ng malalakas na ulan, sulit lahat ng puyat maipasa lang ang mga kailangan ipasa sa eskwela,”
Lahat ng kanyang pagsisikap at ang nakamit na tagumpay ay iniaalay niya lahat sa kanyang pamilya at mga magulang na siyang pinaka-unang nagtiwala, at nagturo sa kanya sa diskarte ng buhay.
"Kaya naman I am dedicating this achievement to my parents,"
"Sa tatay ko na nagturo sa akin paano magsumikap sa buhay at sa nanay ko - ang aking unang guro, ang nagturo sa akin paano bumasa at sumulat. Sila ang may pinaka malaking parte ng tagumpay na ito. Kaya para sa kanila po 'yan,’
Napawi lahat ng kanilang pagsasakripisyo at paghihirap noon sa pagtatapos niya ng pag-aaral.
Aminadong pinagdaanan niya lahat ng kasalatan ng kanilang pamilya noon, pero dahil sa suportado nila ang isat-isa, walang sumusuko sa hamon bagkus lalo pang nabuhayan ng lakas ng loob.
"Ang naging motivation ko ay ang aking pamilya. High school ako noon walang wala talaga kami, pinapalayas kami ng mga landlords sa inuupahan namin dahil di kami nakakabayad sa upa kaya tinulungan ko tatay ko magtinda ng suman para may magamit ako sa pangangailangan ko sa school.
"Namulat ako sa hirap ng buhay. Nagtinda ako noon ng suman at graham balls sa paaralan. Gumawa din ako ng mga assignments at activities ng mga kaklase ko kapalit ng konting halaga para lang may pang-baon ako sa eskwela,"
"Hanggang sa makapasok na ako sa iba't ibang part-time jobs para kumita ng pera at makatulong sa kanila. Kaya naman I am dedicating this achievement to my parents,"
Ibihagi niya noon kung paano niya nahahati ang kanyang oras at atensyon sa trabaho sa kanyang pag-aaral.
“Gumigising po ako 8 AM ng umaga tapos lalabas ako mga 10, kasi mag-aasikaso pa ako sa bahay.”
“Hinahabol ko po 'yung oras, sa peak hour po ako bumibiyahe kaya 10 AM lalabas na po ako, kasi doon na po 'yung kasagsagan ng orders kasi magta-tanghalian na.
“Nagi-start siya usually 11 pag tapos na po ako, hihinto lang po ako sa kahit saan na po ako abutan, kahit saan makarating. Basta kung saan po medyo tahimik, tsaka medyo maayos 'yung signal doon po ako pumupunta.” isa ito sa mga naging problema ni Francis noong kasagsagan pa ng lockd0wn.
“Wala po kasi talagang stable na internet connection, sobrang bagal po kahit 'yung data na 4G. Wala naman po kasi ako magagawa, dahil wala din po internet sa bahay, kaya 'di rin ako makauwi.”
Bukod sa pagiging delivery rider, nagpapart-time virtual assistant din si Francis sa kanyang bakanteng oras. Naranasan nadin niyang magtrabaho sa fastfood chain bilang isang service crew. Pumasok din siya bilang call center agent at iba pang pwedeng mapagkakakitaan para makatulong sa pamilya at pantustos sa pag-aaral niya.
***
Source: INQ
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!