Estudyante na kumakain lamang ng kanin at walang ulam, kinaantigan ng puso - The Daily Sentry


Estudyante na kumakain lamang ng kanin at walang ulam, kinaantigan ng puso



 

Larawan mula sa Viral Video and News

Marami ang naantig ang puso sa larawan ng isang batang babae na si Rachel kung saan ay makikitang kumakain ito ng purong kanin at walang ulam habang nakaupo sa loob ng kanilang paaralan.

Ayon sa post ng isang Facebook fan page na D30 Viral Video, ang batang babae ay madalas kanin lamang ang baon at walang inuulam na kahit na ano at madalas din umano itong walang pera kapag oras na ng kanilang recess. 

Ganun pa man, kahit na kanin lang at walang baon na pera ang batang ito ay tila lalo pa siyang hinangaan dahil masipag pa rin itong pumapasok sa eskuwela na sa katunayan ay wala itong absent sa kanyang pagpasok.

"Nakakaantig puso ang batang ito kumakain kahit walang ulam nagrereces din ng walang pera pero mas nakakabilib wala siyang absent sa kanyang pagpasok sa school kaya sa mga kabataan diyan sanay magbigay aral sa inyo ang larawang ito" ayon sa post
Larawan mula sa Viral Video and News
Sana ay magsilbi itong aral para sa ibang estudyante na tamad mag-aral na kahit sapat ang kanilang natatanggap na baon ay tinatamad at hindi pa rin nag-aaral ng mabuti.

Ayon din sa isa pang uploader ng larawan si Ryl Rebz, ilang kilometro pa ang nilalakad ni Rachel para makapasok sa paaralan ngunit hindi pa ito nakakapagtala ng kahit na isang absent sa pagpasok.

"Yung hirap na hirap kana sa buhay pero patuloy ka pa ring lumalaban sa hamon ng buhay.. ilang kilometro ang nilalakad para lang makapasok at kahit si isang araw ayaw umabsebt.. Wlang ulam, walang reces walang pansulat pero di mo narinig ni minsan ang reklamo sa mahihirap nilang pamumuhay..

"Sa mga kabataan jan sana ay inyong tularan at maging inspirasyon sa inyo ito..

Larawan mula sa Viral Video and News

"P.S. ang larawan ay kinunan bago pa mabigyan ng ulam.. Para makita ang totoong niyang buhay.. Siya si Rachel Manay magtatapos bilang grade 3 pupil at walang absent.

Magandang halimbawa ang batang babaeng ito para sa mga kabataan na kahit kapos sa pera ay patuloy pa rin itong lumalaban at pursigido pa rin itong abutin ang mga pangarap.

Dahil sa nakakaantig na kwento ng batang babaeng ito, agad namang nag-trending sa social media post at 18,000 reactions, 2,500 comments at 22,000 shares ang nasabing post.

Marami namang natizen ang nagsasabing kahit sila noong araw ay nakaranas din umano na magbaon ng kanin lang at walang ulam, ngunit ng dahil sa pagtityiga at nakaraos din sila sa hirap.
Larawan mula sa Viral Video and News
Marami din ang namangha sa larawan ng batang  babae at ang iba pa nga ay nais malaman kung taga saan ito upang maabutan ng kahit kaunting tulong.

Ayon pa sa ibang netizen, ganyan talaga ang buhay ng mahihirap na kailangan mong magtiis, magsumikap at magtiyaga upang makaangat sa buhay dahil walang ibang tutulong sayo kung hindi ang sarili mo lang.

Marami din ang nagsasabi na kapag alam mong mahirap lang kayo at walang sapat na pera ngunit nagsusumikap ka sa mga hamon sa buhay ay walang duda na sa bandang huli ang maaabot mo dina ng iyong pangarap.

***