DJ Loonyo binuweltahan si Janine Berdin matapos idawit ang pangalan at larawan nito sa 'airport' meme - The Daily Sentry


DJ Loonyo binuweltahan si Janine Berdin matapos idawit ang pangalan at larawan nito sa 'airport' meme




Hindi nagustuhan ng social media personality-dancer na si Rhemuel Lunio o mas kilala bilang DJ Loonyo at tinawag ang atensyon ng di umano'y 'insensitive' na singer-songwriter Janine Berdin dahil sa pagamit ng kanyang larawan at pangalan upang maging katuwaan online.


"May natitira pa po ba kayong respeto? may nagawa ba ako sayong mali?" 


Ginawang cover photo ni Berdin ang kumakalat na umano'y online petition na nagnanais na palita ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing 'DJ Loonyo International Airport.'



Agad na nagpadala ng mensahe si Loonyo sa social media account ng singer upang tanungin hinggil sa ginawa nito.


Ngunit paliwanag ng Tawag ng Tanghalan Season 2 Grand Champion, wala umano siyang masamang intensyon at saktan sa kanyang pinost, sadyang natuwa lamang siya sa kumakalat na meme kaya naisipan niyang ipost din ito.


“Hala Kuya, Hello po! It’s really just a meme that I found supper funny. I found it online. I didn’t really mean any harm,” sagot niya. 



“Ano po kaya context ng meme? :) I just thought it meant to change the name of the airport to you."

  

"Like poking fun :D, super random hahaha," aniya pa. 


"Really didnt mean any harm! I don't think people found it degrading to you as well po! :) But if you want I could always take it down Kuya!:)"






Ipinost ni Loonyo ang screenshot ng naging usapan nila ng singer sa kanyang Facebook account at naglabas ng kanyang saloobin, na kapag sa ibang tao ginawa ang meme na iyon ay isyu at pambabatikos agad ngunit kapag sa kanya ay katuwaan lang. 


"Nakakatakot yung utak ng mga gantong tao. Pag kayo ginanyan, ISSUE, HEADLINE, AND BA SH AGAD. Katuwaan? Tapos bina-ba sh and pinagti-trip-an yung taong involved? @janineberdin [you're] better than that for sure. God bless your soul. Welrd s***," 


Pinaalalahanan din niya ang publiko na maging sensitibo sa kung anong mga ipinopost online dahil hindi naman din natin alam ang mga pinagdadaanan ng bawat isa sa atin.  



"Kung wala kayong magawa, pagtripan niyo sarili niyo wag ibang tao... Maging sensitive tayo minsan, di natin alam pinagdadaanan ng isa't isa satin. In-expect ko yung mga matagal na or kahit papano nauna sa industriya ay kahit papano alam ang 'RESPETO NA LANG SANA,'” 


"Pero para katuwaan, sigeeee, Go lang, kahit iba na yung napuntahan ng KATUWAAN. Welrd s***!!! PANGALAN MO SAYO YUNG AIRPORT, Baka ikaw yung may gusto hindi ako," dagdag niya. 


Hindi na rin nakapagpigil  pa si Berdin at ipinost na publicly ang sagot niya at pinagdiinang puro pang katuwaan lamang ang intensyon sa ginawa niya.



"Oh kuya, if you really wanna talk about it publicly..I wanna know how you understood the meme."


"I just thought it was a petition to just literally change the airport name to you. It's satire. It's poking fun. It's random."


"No one would actually take it seriously."


"People use my name to poke fun all the time as well. He ll people talk s*** and laugh at me as well. I'm not saying that's what the meme was doing kasi it wasn't meant to be degrading at all.. but yeah! It's what comes along when you're a public figure. no big! smile po kayo!" 


Nag komento din si Loonyo sa nauna na niyang Facebook post, kasama ang kopya ng ipinost ni Berdin online na paliwanag niya tungkol sa isyu. 


"Sige po ma’am ikaw na tama, Kahit pinagtatawanan, binaba sh, at nilalait na sa comment, KATUWAAN PARIN, grabe yung mindset," paglalabas niya ng saloobin 


"Ingat tayo ma’am, baka mag-boomerang yan sayo, Pinagdaanan ko na yan, nadapa, natuto at gino-goal mas maging better." paalala niya sa singer.


"Sana ganun din sayo, hindi yung pag walang magawa, ay manttrip ng iba 😇"



Sa bagong post naman ni Berdin, nag-upload ito ng meme na kung saan ay ipinangalan sa kanya ang NAIA.


Napuno ngayon ng mga pambabatikos si Loonyo at pinagkakatuwaan lamang ang naging reaskyon niya sa di umano'y simpleng meme lang naman din daw. 


***

Source: Philstar

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!