Dahil wala ng maipadala, isang dating OFW ang naging palaboy matapos itakwil ng kamag-anak - The Daily Sentry


Dahil wala ng maipadala, isang dating OFW ang naging palaboy matapos itakwil ng kamag-anak



 

Larawan mula kay Aileen Mariquit Sombise

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay hindi matatawaran ang kanilang ginagawang sakripisyo na mapalayo sa mga mahal sa buhay upang makapagtrabaho sa ibang bansa upang may maipadalang pera sa mga mahal sa buhay sa pilipinas.

Gayunpaman, viral sa social media ang kwento ng isang lalaki na dating OFW kung saan ay naging palaboy nalang ito sa kalye pagkauwi niya sa pilipinas.

Ayon sa post ng isang netizen na si Aileen Mariquit Sombise, naging OFW si kuya Ramon ng 21 taon sa Saudi Arabia na ngayon ay isa na lamang palaboy na walang maayos na tulugan at makain sa kanyang pang araw-araw na buhay.

Napag-alaman na 61-anyos na si kuya Ramon kung kaya hindi na kaya ng kanyang katawan na magtrabaho at may iniinda na rin itong karamdaman sa paa kung kaya naman umuwi na lamang siya sa pilipinas.
Larawan mula kay Aileen Mariquit Sombise
Larawan mula kay Aileen Mariquit Sombise
Ayon sa kwento ni Aileen Mariquit Sombise, maganda naman umano ang trabaho dati ni kuya Ramon sa Saudi at malaki ang kinikita nito.

Panay ang padala pa nito ng pera sa kanyang kapatid sa pilipinas at pinapag-aral pa nito ang isa nitong pamangkin.

“Lessons hwag puro bigay ng bigay matuto tyong magtira para sa sarrili natin... Hindi habang buhay malakas tayo at makakapagtrabaho,” ayon sa Facebook post ni Aileen

Hindi rin magandang isipin na ngayong wala na siyang trabaho at wala na rin siyang maitulong sa mga ito ay pinabayaan na lamang siya ng kanyang mga mahal sa buhay na maging palaboy sa Luneta.

Basahin ang buong post ni Aileen sa ibaba:

“OFW ..

“Lessons hwag puro bigay ng bigay matuto tyong magtira para sa sarrili natin...

“Hindi habang buhay malakas tayo at makakapagtrabaho..
Larawan mula kay Aileen Mariquit Sombise
“Dati xang OFW sa bansang SUADI ARABIA 21yrs OFW may magandang trabaho at kumikita ng malaki kinalimutan ang sarili at di n nakpag asawa inintindi ang mga kapatid at mga pamangkin pinag aral at pinagtapus.. 

“Dec. 2018 umuwi xa ng pinas galing Saudi dahil sa nanakit na ang buong katawan at dina kayang mag trabaho na dapat sana ay magpapahinga na xa sa edad nia 61 pero di nakamit ni kuya Ramon ang kagustuhang iyon dahil sa may karamdaman na xa at wala ng padala sa mga kapatid at pamangkin hinayaan na xa magpalaboy laboy sa kalye walang maayos na tulog at madalas walang kain sa Luneta na po xa natutulog at nakatira ngayun.

“LIFE LESSONS: WAG TAYO BIGAY NANG BIGAY SA IBA NA SA BANDANG HULI TAYO PA ANG MAWAWALAN.

“Matuto tayong magtira sa sarili upang maihanda ang ating kinabukasan.

Basahin naman ang ilang komento ng mga netizen sa ibaba:

“Kawawa..nman sana makita ng mga kapatid at pamangkin Ang nag bigay sa kanila noon..Ang saya nla Na tumangap sa pinadala ne Kuya.tapos ngayon si Kuya Ang kawawa..” 

“Kawawa ka na a kabayan ganoon talaga ang buhay kilala ka Nila pag mayron ka pag wala kana pera Di ka na nila pansin ni hindi kana nila alukin kumain at diyan ako na gising sa katutuhan at natoto sorry sa mga makabasa nito pero yan ang totoo Kaya ngayon ito hindi na masyado nakipag comminacate sa kanila

“Maganda talaga may sarili kaw pamilya,kasi yan ang tu2long sa iyo hangang sa pagtanda mo,wag mong ibagay sa yun mga kapatid at pamangkin,pwede kaw tumulong yun meron kaw lang sobra,kasi kung lagi kaw,ikaw na aasahan nila

Larawan mula kay Aileen Mariquit Sombise



****