'Need magtoothbrush?' Customer na natabangan sa pagkain ng isang resto, inalmahan matapos magbigay ng feedback - The Daily Sentry


'Need magtoothbrush?' Customer na natabangan sa pagkain ng isang resto, inalmahan matapos magbigay ng feedback





"Mag-toothbrush po kayo sabi ng TRENDING na kainan."

Isa sa mga paraan ng mga negosyante ngayon para makilala ang kanilang negosyo ay ang pagpo-promote sa social media dahil ito ay isang mabisang stratehiya upang maabot ang kanilang target customers at makilala ang kanilang produkto kahit saan mang dako.




Kaya naman trending online ang post ng isang concerned netizen matapos niyang ibahagi ang kanyang experience sa isa umanong seafood restaurant na nadiskubre nila matapos maging 'hype' o sumikat sa internet.





Ayon sa kanya, hilig talaga niya dumayo sa mga kainan ngunit kakaiba ang kanyang naging karanasan sa restaurant na ito na nagdulot umano sa kanya ng 'sakit ng ulo'.

"OMG ayoko na magtalk.... Magtoothbrush daw kami. Ang ayos ayos ng feedback ko. Nagbayad ako ng libo hindi ko kailangan ng refund hindi ako vlogger mahilig ako dumayo ng kainan," pahayag niya.

Sa kanyang trending post, ibinahagi niya ang kanilang naging paguusap, matapos niyang magbigay ng kanyang feedback sa Facebook page ng restaurant.














Dinumog naman ito ng ilang reaksyon na hindi pabor sa paghandle ng customer feedback ng nasabing restaurant.

"Unprofessional, if may feedback si customer. Good or bad need mo tanggapin. Dahil hndi nman lahat ng tao makakaappreciate ng product nyo and magkaka iba rin ng panlasa ang bawat tao. Kaloka," ayon sa commenter.

Ayon naman sa isang restaurant owner, "We also serve seafoods. Just 2 days before this post, a customer gives a feedback na "matabang ang sauce". What we did is call all kitchen staff. Tikman nyo nga kung matabang talaga. Which everyone says hnd naman daw. Pero we all apologize to the customer. Kasi suggestion nya un. So be it. Di naman kailangan makipag talo sa customer lalo na kung maayos naman nakikipag usap. Buti nga di pa sinabi na "di makain pagkain nyo" which i also experience from a very rude customer naman. Hahahahaha pero diba, take it nalang. And improve each day!"






Payo naman ng isang netizen:

"E di dapat pala may dagdag caption yung restau nila *Matabang pag walang toothbrush*."


Source: 1