Bride-to-be, ibinenta ang gown at wedding ring nang mahuling nagloloko ang fiancé - The Daily Sentry


Bride-to-be, ibinenta ang gown at wedding ring nang mahuling nagloloko ang fiancé



Ayon sa kasabihan, “Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na mainit na kapag isinubo mo at napaso ka ay iyo na la­mang iluluwa.
Photo credit: Junesa Ann Infante

Kaya naman napakahalaga na kilatisin at kilalanin muna nating mabuti ang taong ating pipiliing makasama habangbuhay.

Katulad na lamang ng isang bride-to-be na nahuling nagloloko ang kanyang fiancé bago ang kanilang nakatakdang kasal.

Mabuti na lamang at nalaman niyang manloloko pala ang lalaking kanyang piniling pakasalan.
Photo credit: Junesa Ann Infante

Photo credit: Junesa Ann Infante

Mabilis na nag-viral sa social media ang Facebook post ng netizen na si Junesa Ann Infante, matalik na kaibigan ng bride-to-be, matapos niyang ipost online ang pagbebenta ng bridal gown, sapatos, wedding ring, at giveaways.

Maging ang venue kung saan gaganapin ang reception pagkatapos ng kasal ay ibinebenta na rin ng bride-to-be sa murang halaga.
Photo credit: Junesa Ann Infante
Photo credit: Junesa Ann Infante

Ayon kay Infante, ang kanyang kaibigan at fiancé nito ay 11 years ng magkasintahan at nakatakda sana ang kanilang kasal noong December 21, 2020.

Dahil sa pand3mya, napagdesisyunan nilang ilipat ito ng March 27, 2021. Subalit muling naipatupad ang ECQ (Enhanced Community Quarantine) noon kaya muling naudlot ang kanilang kasal at nalipat sa bagong petsa na May 15, 2021.

Sa patuloy na pagkakaudlot ng kanilang kasal, tila nagpapahiwatig ang tadhana kay bride-to-be na huwag ng ituloy ang pakikipag-isang dibdib sa kanyang fiancé.
Photo credit: Junesa Ann Infante
Photo credit: Junesa Ann Infante

Sa hindi inaasahang pangyayari, nahuli ng bride-to-be ang kanyang fiancé na may kasamang ibang babae sa beach.

Nahuli ang groom na may kasamang babae sa isang beach with a girl… The girl actually posted their photos on a travel group… And lahat na ng proofs lumabas,” sabi ni Infante.

Dagdag pa niya, hindi raw sila online seller, gusto lang niyang maibsan ang sakit at lungkot na nararamdaman ng kanyang kaibigan.

Gusto lang namin tulungan ang bride ma-dispose lahat ng items para kahit papano mabawasan yung nagpapaalala sa kanya about the wedding,” sabi ni Infante.


***
Source: Latest Chika