Photo credits: Gelo R. Abugao |
Dahil sa araw-araw na paglalako ng panghimagas sa kanilang bayan sa Camarines Sur, matagumpay na nakapagtapos ng senior highschool ang binatang si Juan Marco III.
Nagbunga ang pagsisikap ng 19 years old na binata na sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ay ginagawa ang lahat upang maibenta lamang ang tindang leche flan sa mga nadadaanang bahay, mga opisina at ilang matataong lugar.
Bitbit ang cooler laman ang paninda na luto ng kanyang ina, buong sikap na tinitiis ng binata ang paglalako upang makatulong kahit papano ang maliit na kita pantustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ngunit dahil na din sa hirap ng trabaho at pagbubuhat araw-araw, nakakaramdam si Juan ng pagsakit sa bahagi ng kanyang puson dahil sa inguinal hernia na kanyang iniinda mula pagkabata.
Sa kabila ng nararamdaman, nais niyang magsipag upang magkaroon ng pangmatrikula sa kolehiyo at makaipon ng pampa-opera.
“Noon pa man gusto ko ng makapagsuot ng uniporme ng pulis na mismong apelyido ko ang nakalagay. Gusto kong maging isang malinis na pulis na matapat na nagsisilbi sa bansa,” ani ng binata.
Labis namang hinangaan ng marami si Juan matapos ibahagi ng isang local radio personality sa CamSur na si Gelo Abugao ang kwento ng binata.
Hiling niya, nawa ay tangkilikin ng publiko ang tinda ng binata upang matupad nito ang kanyang mga mithiin sa buhay.
Juan Marco III matapos magtapos ng Senior High |
Photo credits: Gelo Abugao |
“Kung inyo pong makita si Juan, baka naman po pwede niyo mabilhan mga kaibigan," pahayag niya.
Source: 1