Larawan mula kay Aldrin Pawa |
Naniniwala din ang karamihan na ang edukasyon ay isang susi para makaahon mula sa kahirapan ng buhay.
Kamakailan lamang ay usap-usapan sa mundo ng social media ang isang estudyanteng lalaki na may kakaibang kondisyon na putol ang mga kamay at mga paa nito.
Larawan mula kay Aldrin Pawa |
Larawan mula kay Aldrin Pawa |
"Putol" kung tawagin si Aldrin Pawa, 24, nagmula sa Palawan.
Ayon sa kanyang kwento, simula ng ipanganak siya ay ganito na ang kanyang kondisyon kung kaya naman tila sanay na siya sa kanyang kalagayan.
Ngunit kahit na may kulang sa kanyang katawan ay nagpursigi ito na makatapos sa kanyang pagaaral at nakakabilib ang kanyang ipinamalas na determinasyon dahil nagtapos si Aldrin bilang honor student sa senior high school sa Palawan National High School.
“Hindi sukat sa PHYSICAL o APPEARANCE ng tao kung makakapag tapos ka o hindi ang mahalaga ginawa mo ang best mo para sa mga taong naniniwala sa kakayahang meron ka.” ayon kay Aldrin.
Larawan mula kay Aldrin Pawa |
Larawan mula kay Aldrin Pawa |
“Umulan man o mainit...minsan sa sobrang init nagkakaroon ako ng nana sa tuhod kakalakad.
“Lahat yan tiniis ko, pinagtiyagaan ko para mapatunayan ko sa sarili ko na itong ‘PUTOL’ na tinatawag nila ay makakapagtapos ng pag-aaral."
“Sa bawat pamba-bash sa akin ng tao, nasasaktan ako, parang naapektuhan ang confidence ko.
“Nada-down ako sa sarili ko, pero hindi dahilan iyon para ma-down ako or sumuko ako.”
“Gusto ko lang naman po na maipakita sa buong mundo na kahit ganito ako—wala akong kamay, wala akong paa—pinapakita ko lang ang talento na meron ako.
“Gusto ko pong magbigay inspirasyon sa mga taong katulad kong may kapansan na kung ano man ang kapansanan nila, maging motivation ito sa kanila.” banggit ni Aldrin.
***