Bilyonaryo ang mga tao sa bansang ito ngunit naghihirap at kumakalam pa rin ang kanilang sikmura - The Daily Sentry


Bilyonaryo ang mga tao sa bansang ito ngunit naghihirap at kumakalam pa rin ang kanilang sikmura



 

Larawan mula sa Awe Republic

Malamang ay kung ikaw ay makakahawak ng isang bilyon sa iyong mga kamay ay siguro abot hanggang langit ang saya na iyong mararamdaman dahil ang halaga ng perang ito ay kayang makabili kahit na ano mang naisin mo.


Ngunit sa maniwala ka o hindi ay mayroon isang bansa na sa kabila ng bilyong-bilyon na kanilang pera ay wala pa rin halaga ang mga ito at tuluyan pa rin silang naghihirap.


Kahit na limpak-limpak at nagkalat ang pera sa kanilang lugar ay patuloy pa rin silang nakararanas ng labis na pagkalam ng kanilang sikmura. Ganito ang sinapit ng bansang Zimbabwe.

Larawan mula sa Awe Republic

Larawan mula sa Awe Republic

Nakakagulat na malaman na sa bansang Zimbabwe ay isang pirasong tinapay lamang ang kayang bilhin ng halagang 10 bilyon Zimbabwean dollar at ang mabibili mo sa 1 trillion Zimbabwean dollar ay isang bar lamang ng Hershey's na chocolate.


Nangyari ito dahil sa bilis na pagtaas ng inflation rate sa kanilang bansa o ang agarang pagtaas ng presyo ng mga produkto sa nasabing bansa.


Ang kanilang bansa ay nakaranas ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo sa lahat ng bilihin at hindi manlang nakaranas ng kahit na kaunting magbaba.


Ang sobrang pagtaas ng presyo sa kanilang mga produkto ang dahilan din kung bakit marami sa kanila ang hindi gumamit ng kanilang sariling pera o currency, sa halip ay gumagamit nalang sila ng pera ng ibang bansa tulad ng US dollars ay Chinese Yuan. 

Larawan mula sa Awe Republic

Larawan mula sa Awe Republic

Ang bansang Zimbabwe ay dating mayaman sa agrikultura at hindi maikakaila na ang mga mamamayan doon ay may angkin na galing pagdating sa pagtatanim na maaaring maihalintulad sa ating bansa ngunit onti-onting silang naghirap ng magumpisang namuno ang umanoy diktador at ganid sa kapangyarihan na si Robert Mugabe.


Si Robert Mugabe ay isang war hero na namuno noong nagkaroon ng pagsakop sa kanilang bansa at pinagtagumpayan nila itong protektahan mula sa mga mananakop.


Si Mugabe rin ang kauna-unahang naging prime minister ng bansa ngunit sa paglipas ng panahon ay lumitaw ang kanyang tunay na mukha at pagiging diktador.

Larawan mula sa Awe Republic

Larawan mula sa Awe Republic

Nagkaroon ng malaking utang ang kanilang bansa at kailangan ng malaking pera upang mabayaran ito.


Dahil sa kanyang mga naging polisiya ay lahat ng investor sa kanilang bansa ay natakot na rin kung kaya naman walang pera na pumapasok sa kanilang bansa.


Bumagsak ang ekonomiya ng bansa at marami sa kanilang mga mamamayan ay nawalan ng trabaho at nagutom kung kaya naman ang naisip ni Mugabe na solusyon sa kanilang problema ay ang magprint ng maraming pera.


Ngunit sa inaakala ni Mugabe na malaki ang maitutulong nito sa kanilang bansa ay kabaliktaran ang nangyari, dahil dito ay lalo silang nalugmok sa kahirapan.


Dumaan sa hyperinflation ang kanilang bansa dahil sa dami ng pera sa kanilang bansa ay mabilis din ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at dito na nagsimulang bumagsak ang ekonomiya ng kanilang bansa.


***