BFF goals! Mag-bestfriend na estudyante, parehong nagtapos na magna cum laude - The Daily Sentry


BFF goals! Mag-bestfriend na estudyante, parehong nagtapos na magna cum laude




Samu’t saring kwento na ng tagumpay ang nagpabilib sa atin. Mayroong istorya ng naabot na pangarap sa kabila ng mga matinding suliranin o kaya naman ay ang nakamit na mataas na parangal sa eskwela kahit kabi-kabila ang pinagdaanang pagsubok sa buhay. 


Hindi nalalayo rito ang kwento ng dalawang magkaibigang kolehiyala mula sa FEU.  


Kilalanin sila Micah Indiola at Syrine Gladys Podadera at tunghayan ang kanilang makulay na pagkakaibigan na kapwa nagdala sa kanila sa tagumpay bilang mga estudyante. 




Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Micah ang inspiring friendship nila ng bestfriend nyang si Syrine. 


OPPOSITES ATTRACT


Pawang kumuha ng kursong Bachelor of Arts in Communication sa Far Eastern University, naging inspirasyon sa kanila ang isa’t isa para maging aktibo hindi lang sa kanilang klase kundi maging sa buong eskwelahan — ito ay sa kabila ng pagiging salungat ng kanilang personalidad, ayon kay Micah. 


“I am Micah Indiola and her name is Syrine Podadera, akala namin sa boyfriend/girlfriend relationship lang yung opposite attracts yun pala sa Bestfriend relationship din. Yes, super opposite kami.” panimula ng dalaga. 


Ani Micah, sobrang opposite silang dalawa. 


“Yes, super opposite kami. I am an extrovert, she's an introvert. I love production stuff, she hates it 100x. She loves academic writing, I hate it as much as she loves it. I love adventure, she prefer to stay at home and read books rather than going out. Marami pa kaming pagkakaiba but these aren't hindrances para magsama kami in college for four years!” pagpapatuloy nya. 


ONE’S WEAKNESS, ANOTHER ONE’S STRENGTH



Base sa ibinahagi ng naturang FEU student, kapansin-pansin na na-complement nila ang isa’t isa kahit pa magkaibang magkaiba sila, dahilan para mas lalo pa silang magtagumpay sa paga-aral. 


Saad ni Micah, ang kahinaan ng isa sa kanila ay sya namang lakas ng isa. Kaya naman naging daan din ito para maging mas solid ang kanilang pagkakaibigan dahil ginamit nila ang kanya kanyang advantage nila para mas masuportahan pa lalo ang bawat isa. 


“Tumatambay kami sa library til 7pm hanggang sa magsara ang library. Nagsasaluhan kami para magawa namin ang lahat ng dapat gawin. Her weaknesses are my strengths, my weaknessess are her strengths.”


“POWERFUL BFFs”


Dahil parehong palaban na estudyante, binansagan umano silang "powerful bffs". 


“They call us "powerful bffs" coz we're both an achiever and grade conscious.” ani Micah.


Ibinahagi rin nya na kapag nakakakuha umano ang isa sa kanila ng mababang marka ay nag-iiyakan silang dalawa at pinapalakas ang loob ng isa’t isa. 


“We cry a lot especially pag may mababang grade, oo, ganon na nga. Mag iiyakan kaming dalawa.”


Dagdag pa nya, sila ang number one fan ng isa’t isa. At dahil na rin sa kanilang pagkakaibigan, maging ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay mas tumibay din. 


“I am her number one supporter everytime may contest sya, she is my number one supporter everytime na tumatakbo ako sa student election. Aside sa acads, we pray together, worship God together and thank Him together. Yun na siguro ang pinakamasarap sa feeling ang makasama mo ang bestfriend mo in your walk with God.”


Kwento pa ni Micah, gaano man sila kabusy sa kanya kanyang activities sa unibersidad ay hindi nila napag-iwanan ang isa’t isa. 


“We both represent FEU in different fields, sya sa mga contests nya and ako sa organizations and seminars. I was elected as the Vice President of Peace To All Youth Organization and she was elected as the President of Scholar's Society. Sobrang busy sa iba't ibang gawain but we manage to support each other sa kada event na meron kami. We also help each other sa pag buo ng ideas and creative concepts. I will forever treasure those moments.” 



HOMEBODIES, HOME BUDDIES 


Pagbabahagi ni Micah, parehas sila ni Syrine na hindi gaya ng ibang college student na pala-gimik o ma-party na tao. Aniya, pareho silang homebody o mas gugustuhin pang tumambay lang sa bahay at mag food trip o kaya naman ay magkwentuhan nang one to sawa. 


“Hindi kami ma-party, ang bonding namin is puro home-base. Yung mag stay sya sa bahay, yung kakain kami shakey's, mcdo or jollibee, yung mamili ng damit if we have extra allowance, yung mag iyakan at i-encourage yung isa't isa, at magkwentuhan ng walang katapusan.” 


FINISH LINE 


Kapwa nagtapos na magna cum laude ang dalawa at bonus pa umano dahil naging valedictorian pa ng kanilang batch ang bestfriend nyang si Syrine. 


Kahit pa raw magkakaroon na sila ng kanya kanyang buhay ay mananatili silang nariyan para sa isa’t isa. 


“Now we finished the race together as both MAGNA CUM LAUDE and may bonus pa as she is our BATCH VALEDICTORIAN. Now, we don't know how to face the real world apart from each other but as we promised, we will reach our goals and dreams even tho we have our seperate lives now. I am always here for you babe and I know you'll do the same. Iloveyou!!!”


Basahin ang buong Facebook post:



Hey! I just wanna share our BFF Story. I am Micah Indiola and her name is Syrine Podadera, akala namin sa boyfriend/girlfriend relationship lang yung opposite attracts yun pala sa Bestfriend relationship din. Yes, super opposite kami. I am an extrovert, she's an introvert. I love production stuff, she hates it 100x. She loves academic writing, I hate it as much as she loves it. I love adventure, she prefer to stay at home and read books rather than going out. Marami pa kaming pagkakaiba but these aren't hindrances para magsama kami in college for four years!


First year, first sem, we're five in the group pero dahil every sem nag iiba ng block pagdating ng second sem, naging tatlo nalang kami. Hindi na kami naghiwalay hanggang nag second year second sem. We have to let go of our "kulot" 😩 Di namin alam how to manage ourselves na kaming dalawa nalang ni Syrine, dahil kahit opposite kami parehas kaming moody at mataray at times. Humiwalay din kami sa other friends namin kaya kaming dalawa nalang. At dun na nagsimula ang journey namin. Tumatambay kami sa library til 7pm hanggang sa magsara ang library. Nagsasaluhan kami para magawa namin ang lahat ng dapat gawin. Her weaknesses are my strengths, my weaknessess are her strengths. Kaya siguro until the end magkasama kami.

 

They call us "powerful bffs" coz we're both an achiever and grade conscious. We cry a lot especially pag may mababang grade, oo, ganon na nga. Mag iiyakan kaming dalawa. I am her number one supporter everytime may contest sya, she is my number one supporter everytime na tumatakbo ako sa student election. Aside sa acads, we pray together, worship God together and thank Him together. Yun na siguro ang pinakamasarap sa feeling ang makasama mo ang bestfriend mo in your walk with God.


We also love attending seminars together, kung anong available seminar, workshop or training pinupuntahan namin. Dahil dun mas lumalawak connections namin. At the end of every seminar, nag kocontemplate kami kung ano gagawin namin sa buhay namin. Hahahaha. I will miss those moments.


We both represent FEU in different fields, sya sa mga contests nya and ako sa organizations and seminars. I was elected as the Vice President of Peace To All Youth Organization and she was elected as the President of Scholar's Society. Sobrang busy sa iba't ibang gawain but we manage to support each other sa kada event na meron kami. We also help each other sa pag buo ng ideas and creative concepts. I will forever treasure those moments.


Hindi kami ma-party, ang bonding namin is puro home-base. Yung mag stay sya sa bahay, yung kakain kami shakey's, mcdo or jollibee, yung mamili ng damit if we have extra allowance, yung mag iyakan at i-encourage yung isa't isa, at magkwentuhan ng walang katapusan. 


We wanna thank everyone for supporting us. Now we finished the race together as both MAGNA CUM LAUDE and may bonus pa as she is our BATCH VALEDICTORIAN. 

Now, we don't know how to face the real world apart from each other but as we promised, we will reach our goals and dreams even tho we have our seperate lives now. I am always here for you babe and I know you'll do the same. Iloveyou!!!