Batang nasobrahan sa paggamit ng CELLPHONE, nangisay at tumirik ang mga mata - The Daily Sentry


Batang nasobrahan sa paggamit ng CELLPHONE, nangisay at tumirik ang mga mata



 

Larawan mula kay Angelica Falcis

Karamihan ngayon sa mga bata ay sobra ng nahuhumaling sa mga makabagong teknolohiya katulad ng cellphone na kadalasan ay hindi na maganda at nakakasira na sa kalusugan ng isang bata.


Minsan ay kapag nahawakan na ng isang bata ang kinahuhumalingan nitong cellphone ay hindi na ito makausap na maayos o madalas ay hindi na rin kumakain at natutulog sa tamang oras dahil naka-focus na ito sa paggamit ng cellphone.


Kaugnay sa usaping ito, viral naman sa social media ang post ng isang ina na si Angelica Falcis, kung saan ay ibinahagi nito ang naging karanasan sa kanyang anak nang masobrahan ito sa paggamit ng cellphone.

Larawan mula kay Angelica Falcis

Basahin sa ibaba ang kanyang kwento:


"HINDI masama ang pag-gamit ng CELLPHONE. Ang MASAMA ay ang hahayaan natin na sila ay mag-cellphone simula umaga hanggang gabi. Maaaring gamitin ang gadget na ito for educational purposes with parental guidance.


"Thankyou Lord ang lahat po ay Normal at walang problema after 1month na monitor 


Madami nag PPM sakin para daw po maging aware sila diko kayo po maisa isa dami nyo po. 


Ganto po nangyari. habang naglalaro siya ng nakatayo nakikita namin na parang pumipikit mata tas bigla siyang nahim@tay pag buhat ko po nangisay siya at tumirik mata niya kaya agad po namin sinugod sa H0spital. 


Pag dating namin doon naging ok naman na po siya at nagising na pero nirequest kami for Pedia Neuro para malaman dahilan kung bakit siya nag sezure dahil wala naman siyang lagnat kaya imposibleng mag kombulsyon siya after non hiniling din na mag EEG kami or Brain laboratory para malaman ano naging reason ng pag sizure niya. Weeks din po bago kami nakapag pa test dahil need na tulog na tulog si kaspher at hindi lahat mg h0spital ay meron pong ganon. Hanggang sa nagawa na siya at nakuha namin ang result noong lumabas nakita naman na OK at NORMAL naman ang lahat at walang s@kit. 

Larawan mula kay Angelica Falcis

Kaya ang nakikitng dahilan po ay yung pag gamit nya ng gadget kaya nangyari yung s3izure sa kanya. 


So yown kaya sa mga mommy HUWAG na HUWAG nyo ng hahayaan na babad ang mga anak nyo sa Cellphone para di matulad sa baby ko. 


Simula ngayon hindi kana pwedeng mag CP anak. Kala ko dati nababasa ko lang sa facebook totoo pala talaga."


***