Babae, nabaon sa halos P500k na utang dahil sa kagustuhang maging social media influencer - The Daily Sentry


Babae, nabaon sa halos P500k na utang dahil sa kagustuhang maging social media influencer



Marami sa atin ang nagnanais na maging social media influencer dahil bukod sa kasikatan na ating matatamasa, malaki rin umano ang kinikita at ipakita.
Lissette Calveiro / Photo credit: IG

Ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon o sinuswerte sa larangan na ito. Ang ilan ay gumagastos pa ng malaki dahil sa content na gusto nilang gawin.

Ito ang masakit na karanasan ni Lissette Calveiro, 26-year-old na halos mabaon sa utang na P500k matapos subukang maging social media influencer.

Nagsimula ang lahat ng lumipat si Lissette sa New York para sa internship taong 2013.
Lissette Calveiro / Photo credit: IG
Lissette Calveiro / Photo credit: IG

Aniya, mahilig silang kumain sa labas ng kanyang mga kaibigan at bumili ng mga damit online pagkatapos ay ipopost sa kanilang social media accounts.

“I wanted to tell my story about this young millennial living in New York. I was shopping . . . for clothes to take ‘the perfect ’gram.’ ” sabi ni Lissette

Mayroong 12,000 followers si Lissette sa kanyang Instagram account.
Lissette Calveiro / Photo credit: IG
Lissette Calveiro / Photo credit: IG

Sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng maganda at magarbong pamumuhay sa harap ng camera o sa social media, sa likod nito ay ang pagkagipit sa kanyang budget.

I was living above my means,” saad niya.

Bilang Instagram influencer, kailangan ay mapakita mo sa iyong mga followers kung ano ang bago/uso at mga iba’t ibang lugar na dapat puntahan o pasyalan.
Lissette Calveiro / Photo credit: IG
Lissette Calveiro / Photo credit: IG

Aniya, lahat umano ng kanyang sinasahod ay napupunta lamang sa kanyang pagkain sa labas, shopping at travel.

“I was living a lie. Debt was looming over my head.”

Kwento niya, gumagastos siya ng $200 (P11k) kada buwan pora sa kanyang mga damit upang hindi mapansin sa kanyang Instagram na inuulit niya ang kanyang sinusuot.
Lissette Calveiro / Photo credit: IG
Lissette Calveiro / Photo credit: IG

Kada buwan ay bumibili rin siya ng mga mamahaling designer item katulad na lamang ng $1,000 (55k) vintage Louis Vuitton bag upang maipagyabang sa kanyang mga followers.

Ang pinakamagastos umano ay ang pag-travel niya sa iba’t ibang lugar katulad na lamang ng Las Vegas, Bahamas at Los Angeles kada buwan sa loob ng isang taon.
Lissette Calveiro / Photo credit: IG

Lissette Calveiro / Photo credit: IG

“Snapchat had these [geo-]filters [like digital passport stamps] and I wanted to collect at least 12,” sabi ni Lissette.

 “If you break it down, a lot of the travel I was doing in 2016 was strictly for Instagram.”

Nahimasmasan si Lissette sa kanyang ginagawa ng matanggap ito sa trabaho sa Manhattan bago matapos ang taong 2016.

“I knew that moving to New York, I had to get my act together or I wasn’t going to survive.”
Lissette Calveiro / Photo credit: IG
Lissette Calveiro / Photo credit: IG

Nilimitahan ni Lissette ang paggamit at pagpost sa kanyang Instagram.

Mula sa madalas na pagkain sa labas, nagkaroon na ng budget na $35 (1.9k) kada linggo para sa pagkain si Lissette.

Matapos ang labing apat na buwan, wala ng utang si Lissette. Nabayaran na nito ang halos kalahating milyon na pagkakautang.
Lissette Calveiro / Photo credit: IG
Lissette Calveiro / Photo credit: IG

“Nobody talks about [his or her] finances on Instagram. It worries me how much I see girls care about image,” saad niya.

Nagsisisi raw si Lissette sa kanyang pagiging gastadora.

“I had a lot of opportunities to save. I could’ve invested that money in something.”

“I find more meaning in what I’m doing. It goes back to me being more authentic. Whenever someone says they like my coat, I say, ‘Oh, can you believe I got this coat at H&M for $50?’ ”dagdag nito.


***
Source: NY Post