Busog na sa limang piso! Matanda, nagtitinda ng P5 meal sa mga estudyante para makatulong - The Daily Sentry


Busog na sa limang piso! Matanda, nagtitinda ng P5 meal sa mga estudyante para makatulong



 

Larawan mula sa Facebook
Alam naman natin na sa panahon ngayon ay ang limang piso ay hindi na makakabili ng importanteng bagay tulad ng pagkain at tila kendi na lamang ang mabibili sa halagang ito.

Ngunit sa Meycauayan, Bulacan, pinatunayan ng isang lola na maaari ka ng mabusog sa halagang limang piso sa pagbili ng kanyang masarap na paninda.

Umani ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizen ang kabutihang loob ni ginang Mel na nagtitinda ng abot kayang presyong pagkain sa mga estudyante sa Bulacan.

Ayon kay Nanay Mel, napag-alaman niyang maraming estudyanteng hindi sapat ang baon na pera para makabili ng sapat na pagkain sa kanilang pag-aaral, kung kaya naman upang makatulong ay naisip ni Nanay Mel na magtayo ng maliit na tindahan at magbenta ng abot kayang presyo na pagkain malapit sa paaralan.
Larawan mula sa Facebook
"Ang isang mahirap, magtatanong ka paano ka makakatulong sa kapwa mo? Hindi porket mahirap ka, hindi ka makakatulong, sa maliit na paraan magagawa mo yan." ayon kay ginang Mel

Napag-alaman na mahigit isang dekada na palang ginagawa ni Nanay Mel ang pagbebenta sa Bulacan ng P5 meal.

Dahil sa sobrang murang pagkain ay patok na patok ito sa mga estudyante, ganun na rin sa mga malapit na empleydo tama lang ang sinasahod na sa halagang limang pisong budget ay may kanin at ulam ka na.

Ibinahagi din ni ginang Mel ang kanyang sariling recipe na 'chowfan rice' na gawa sa fried rice at mayroon sangkap na hotdog na sa halagang limang piso ay makakaraos kana sa tanghalian.

Mga halimbawa ng ulam na ititinda ni Nanay Mel ay tulad ng tinolang manok,bopis,kare-kare,menudo at iba pa.

Nakakataba ng puso ang hangarin ni ginang Mel para makatulong sa mga estudyante dahil malinaw na ang pagtitinda niya ay hindi para kumita siya ng pera kundi para matulungan ang mga mahihirap ng estudyante na kaunti lamang ang baon sa eskwela.
Larawan mula sa Facebook
Ayon kay ginang Mel, hindi importante kung nalulugi siya sa kanyang pagtitinda ng murang ulam dahil ang importante umano sa kanya ay nakakatulong siya sa mga katulad niyang mahihirap ang buhay.

"Hindi porket mahirap ka, hindi ka makakatulong, sa maliit na paraan magagawa mo yan." ayon kay ginang Mel

Nakaka-bilib ang ginagawang pagtulong ni ginang Mel sa mga estudyanteng kapos ang baon kahit na mahirap lang din siya. Sana ay madami pa ang maging katulad ni ginang Mel na handang tumulong sa mga nangangailangan.

****

Source: Facebook