Ate, ipinagpalit ang 3yrs na relasyon sa mayamang lalaki na tatlong buwan lang nakilala - The Daily Sentry


Ate, ipinagpalit ang 3yrs na relasyon sa mayamang lalaki na tatlong buwan lang nakilala



 

Larawan mula kay Jom Tasani
Viral sa social media ang post ng isang netizen na nag-ngangalang Jom Tasani, kung saan ay ibinahagi nito ang malungkot na nangyari sa kanilang relasyon ng kanyang girlfriend.

Ayon kay Jom, tatlong taon na ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Camie Alcaraz ngunit ipinagpalit lamang siya nito sa ibang lalaki na tatlong buwan lamang niya nakilala.

"Salamat sa tatlong taon. Nging masaya ko. Pero sa dulo non naging malungkot ang pangyayare. Godbless na lang sayo."


Kwento ni Jom, nagkaroon kasi ng oportunidad si Camie para makapag-trabaho sa ibang bansa (Macua) upang makatulong sa kanyang pamilya at sinuportahan ni Jom ang naging desisyon girlfriend.

Matapos ang ilang buwan na magkalayo sila, bigla na lamang nanlamig si Camie hanggang sa nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Larawan mula kay Jom Tasani
Masama ang loob ni Jom dahil napagalaman niyang buntis pala si Camie dalawang buwan bago sila maghiwalay kung kaya naman sobrang nasaktan si Jom sa nangyari.

Hindi pa natapos ang kalbaryo ni Jom dahil nabalitaan pa nito na ikakasal na pala si Camie sa mayamang lalaki na nakabuntis sakanya.

"Laking gulat ko na lang sa mga balibalita na ikakasal ka na. Sobrang bilis lang. Yung feeling na parang naset up ako ng tatlong taon. Ganon naramdaman ko. Sobrang sakit."

Basahin ang buong post ni Jom sa ibaba:

"Pinost ko to para sa ikatatahimik at ng lahat. Hindi po ko nnghihingi ng simpatiya sa kahit na sino. 

"TATAPUSIN KO NA, Para MATAPOS na.

"Ps. Di po ako nagpifeeling pogi haha. And di rin po ako masamang tao. Maraming nakakaalam niyan 

"3 TAON vs 3 BUWAN 

"Buntis at kasal na sila ng 3months niyang nakilala

"DEAR CAMIE ALCARAZ 

"Ikaw na nga mali, ikaw pa nagmamalaki.

"Madami nagtatanong sakin kung ano nangyare, maraming nagulat kung bat tayo naghiwalay, eto na magsasalita na ko. Dahil mas lalo akong napupuno sa sinasabi mo.
Larawan mula kay Jom Tasani
"Unang-una sa lahat, wala akong ginawang masama.

"December 2018- hinatid pa kita sa macau with your fam para magbakasyon, thankyou kasi sinama mo pa ko and thank you din sa mommy and daddy mo dahil di nila ko pinabayaan don. Regards sa mga tito at tita mo don.

"Nagkarron ng opportunity na magkawork ka don. And big opportunity yon for you kasi makakatulong ka na sa kanila. Full support ako sayo at sabi ko po na i grab mo na agad yung opportunity dahil minsan lang yon.

"Umuwi ako mag-isa ng pinas ng masaya dahil may work ka na. And malaking tulong yon for you in the future and malay natin para satin din. At the same time malungkot dahil di na kita kasama.

"Daming tukso lumapit sakin pero di ako nagpatinag mas inisip kita at dahil mas pinili kita sa lahat ng bagay.

Larawan mula kay Jom Tasani
"Lumipas mga ilang buwan okay naman tayo, gabi gabi kitang hinihintay sa work mo. Kahit puno din sched ko sa pagsasayaw at pag asikaso sa Bandido, di ko yun sinusumbat pero dumating sa point halos napapabayaan ko na yon dahil gusto ko pabor yung oras mo sakin.

"Dumating sa point na madalas tayo di magkaintindihan, dahil sa time. Never akong nagreklamo at nanghingi ng oras sayo. Dahil naiintindihan ko naman kapag overseas ang hirap balansehin ng oras. Pero Naisingit mo pang MAGLOKO.
"Fast forward tayo.

"Naging cold ka ng humigit 1 linggo, sobrang naguguluhan ako pero pilit kong inintindi. Dumalas din paglabas mo, paggimik at pagsama sa mga kaibigan mong (konsintidor) pero yan ang totoo. Brinought up mo sakin na gento ganyan sila papasakop karin pala.

"Halos kada day off ganyan nangyayare.
Larawan mula kay Jom Tasani
"Wala namn ako magagawa kahit pagbawalan or payagan kita. Malaki ka na. Alam mo naman mga ayoko at gusto kong mangyare.

"After kong maging cold di ka na nagparamdam. Mukhang akong tanga di ko alam nangyayare, sagot mo lang lagi kang pagod sa trabaho. Pero hindi napagod sayo. Lumaban ako kasi naiintindihan ko yung hirap ng buhay diyan. Pero nagulat ako sa mga pangyayare.

"NAPAKALALA NG NANGYARE

"2 months before tayo maghiwalay BUNTIS ka pala, wag mo na tanungin kung kanino ko nalaman. Pero sobrang tinarantado mo ko sa part na to. Kaya di mo rin ako masisi bat ganto kasama loob ko sayo. Sa sobrang sama ng loob ko andami kong naiisip na maduming gawain pero nagtimpi ako.

"Ni hindi ko rin narinig sayo na umamin ka saking buntis ka. Matagal mo na pala kong niloloko. Yung sobrang galit ko napalitan ng awa dahil mas inisip kita. Dahil humihingi ka ng tulong sakin. Sinabi mo pa na uuwi ka na lang dito tas magsimula tayo ulit sa malayong lugar. Sa sobrang pagmamahal ko sayo muntik ko pa yong ilaban.

"Tinanong kita, about diyan. Hindi ka makasagot. Sabi mo hindi ka naman lasing nung nangyare yon. Tinanong kita kung gusto mo ba yung tao? Sabe mo hindi? Odiba? Alanganin ka na sa sagot mo.
Larawan mula kay Jom Tasani
"Laking gulat ko na lang sa mga balibalita na ikakasal ka na. Sobrang bilis lang. Yung feeling na parang naset up ako ng tatlong taon. Ganon naramdaman ko. Sobrang sakit.

"Hindi ako nakikipagkompetensya sa inyo at sa asawa mo na ngayon. KASAL KA NA. I pray sana maging healthy yang baby nyo, Sana di danasin ng magiging anak mo to. Sana healthy lumabas yang baby.

"And sa asawa mo. Alagaan mo yan tol. Never kong sinaktan yan. Maaaring nagkulang ako sa yaman o materyal na bagay pero di ako nagkulang sa pagmamahal. Nangangarap palang ako maging successful ngayon bata pa ko.

"Di kita masisi kung yan ang pinili mo. Tao lang tayo nagkakamali. Sana lang natuto ka. Sana tanggapin mo yung pagkakamali mo at hindi ka magmalaki na ikw pa yung biktima. Ginusto mo yan kaya nangyre yan. Ikaw nagdesisyon ng patutunguhan mo. Sino ba naman ako para kontrolin ka.

"Salamat sa tatlong taon. Nging masaya ko. Pero sa dulo non naging masalimuot ang pangyayare. Godbless na lang sayo.


"Nagpapasalamat din ako sa pamilya na sobra sobra yung pagmamahal sakin. Sa comforts at sa walang sawang suporta. Hindi ko na isisiwalat lahat. Gusto ko lang malinawan lahat dahil naiistress ako sa mga tao kakatanong dahil naguguluhan na sila.

"Godbless Sana wag kayo maglokohan. Tuloy nyo na hanggang dulo yan. Best wishes

"Nagmamahal Bandido

"Ps. Di lahat ng lalaki nagloloko minsan kami pa yung naagrabyado ng sobra. Kaya sana maging lesson to para sa lahat.. di sana mangyare to sa iba.

"Oh ayan iwas tanong na kayo na humusga

"Godbless sa inyong lahat. Mgiging okay din ako. Wag kyo mag-alala. 

****