Ano ang gagawin mo kung makalipas ang ilang minuto ay makaharap mo ulit ang katatapos mo lang mura murahin at sigaw sigawan na tao na muntik mo pang masagasaan, pero sa pagkakataong ito, bilang taga-interview na sayo sa trabahong inaaplayan mo?
Ito ang masaklap na sinapit ng isang aplikanteng lalaki na nagpadalos-dalos sa kanyang ikinilos at naturuan ng isang leksyon sa paraan na hindi nya inaasahan.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Art Samaniego ang nangyari sa kanyang ito sa isang aplikante na nagparanas sa kanya ng kakaiba at nakakatawang plot twist.
Ayon kay Art, nagmamadali syang pumasok ng opisina noong araw na iyon dahil kailangan raw nyang mahabol ang schedule ng kanyang interview para sa isang aplikante. Ang naturang taong iinterbyuhin umano nya ay isang pamangkin ng kanyang kaibigan.
“I was in a hurry that morning, I need to interview an applicant, a nephew of a friend.” aniya.
Dahil sa pagmamadali, pagkatapos nyang mabilisan na i-park ang kanyang sasakyan ay agad na raw syang tumakbo papuntang entrance ng kanilang opisina. Dulot nito, muntikan na raw syang mahagip o masagasaan ng isang paparating na kotse na mabilis rin ang takbo.
“I parked my old car along Recoletos and immediately ran toward the MB entrance when suddenly a speeding car almost hit me.” saad nya.
Agad namang humingi ng pasensya si Art sa driver na muntik syang masagasaan dahil sa kanyang pagmamadali.
“Sorry sir, nagmamadali lang” sambit nya sa lalaking nagmamaneho. Subalit hindi ito naging sapat upang palagpasin ng driver ang nangyari. Dahilan upang ibaba umano nito ang kanyang bintana at magpakawala ng maaanghang na salita laban kay Art.
"P***** i** mo! Probinsyano ka!" sigaw ng driver na galit na galit sa kanya, pagdedetalye ni Art.
Sa puntong ito ay piniling magpakumbaba at muling humingi ng pasensya ng muntik nang masagasaan na si Art. Ngunit imbes na sya ay patawarin, binigyan pa umano sya ng ‘middle finger’ sabay sigaw ng "f*** you" at saka muling nagmaneho papalayo ang lalaki.
Ika nya sa nasabing post, “The driver lowered down his window and shouted "p***** i** mo! Probinsyano ka!" I again apologized and said sorry. He then raised his middle finger and said "f*** you" then drove away.”
Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Dahil sa isang napakapambihirang pagkakataon, makalipas lamang ang tatlong minuto ay tila isang mala-teleseryeng tagpo ang naganap nang muling magkaharap ang dalawa, ngunit bilang applicant at interviewer na.
Ang lalaking pinagmumura at sinigaw sigawan si Art at muntik pa syang masagasaan, ay sya ring mismong aplikante na naging dahilan ng pagmamadali ni Art kaya sya muntik masagasaan.
"A few minutes later at the office, I was informed by the lobby guard that an applicant, a relative of a friend, would like to see me for an interview. I told the guard to send him up to my office.
"After three minutes, I was again face to face with the guy who gave me the finger." pagtatapos ng kanyang FB post.
Nawa’y ang nangyari sa lalaking ito ay magsilbing aral sa ating lahat na maghunos dili at huwag magpadalos-dalos sa ating mga galaw dahil hindi na natin ito mababawi gaano man tayo katindi magsisi. Ikaw, anong gagawin mo kung sa’yo mangyari ito?