Amang naglalako ng chicharon pantustos sa pamilya at pag-aaral, tagumpay na nakapagtapos sa edad na 41 - The Daily Sentry


Amang naglalako ng chicharon pantustos sa pamilya at pag-aaral, tagumpay na nakapagtapos sa edad na 41




Walang paligsahan, walang nauuna at nahuhuli sa pagtatapos ng pag-aaral at tunay ring walang kahirapan ang makakahadlang sa pagkamit nito.


Ito ang pinatunayan ni Jesus Fuentes, isang ama mula sa Barangay Labangon, Cebu City, na pinagsasabay ang paglalako at pagtitinda ng chicharon para sa binubuhay na pamilya at maipangtustos sa pag-aaral at ngayo'y magtatapos na sa kanyang bachelor degree sa edad na 41-anyos. 


Matapos ang hindi na mabilang na mga pinagdadaanang hamon at hindi pagsuko sa pangarap, kahit pa maraming hindi naniwala sa kanyang kakayanan ay nasungkit niya na ang tagumpay sa pinagsisikapang diploma sa kursong Bachelor of Elementary Education mula sa Talisay City College.



"Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtatapos ng isang tao.  Pagsumikapan lang ang pangarap dahil kung nagpupursige ka isang bagay ay maabot mo din ito dahil hindi ka pababayaan ng Panginoon. Lagi lang siyang nakatingin sa mga ginagawa mo, basta gumawa ka lang ng kabutihan, ibibigay niya ito sa'yo,"


Aminado siyang hindi naging madali para sa kanya ang ipagpapatuloy pa ang naudlot niyang pangarap, nagtapos siya ng highshool sa edad ng 22-anyos, at nagkaasawa sa sumunod na taon hanggat nakabuo ng isang pamilya at binibuhay ang 4 nilang anak.  



Nakatira lamang sila sa isang pinagtagpi-tagping bahay, kaya't isinantabi muna ang pangarap magpatuloy ng pag-aaral upang mapunan ang pangangailangan ng pamilya, nagtatrabaho siya sa isang gasolinahan at merchandiser sa isang tindahan. 


Kahit pa sa hirap ng pamumuhay nilang pamilya at sa responsibilidad niya bilang haligi ng tahanan ay hindi niya ibinaon sa limot ang pangarap. Sa edad na 38-anyos, suntok sa buwan ang desisyon niyang magpatuloy ng kolehiyo. 




Mahirap umano sa kanya dahil maging ang kanyang sariling asawa ay hindi siya suportado noong una sa pag-abot ng kanyang pangarap, na aniya'y para lang din naman ang lahat ng ito sa kanila. 


"Palagi kami nag-aaway noong nasa first year pa ako. Kasi ang sabi niya mas lalo pa kaming maghirap sa pag-aaral ko. Pero hinayaan ko lang, bahala nang bubungangaan niya ako, basta mag-aaral ako," 


Dala-dala hindi lang ang gamit sa eskwela, pati ang kanyang mga panindang chicharon ay bitbit niya araw-araw upang maialok niya sa tao papasok sa klase at sa mga classmates at mga guro niya. 




"Pag-pumapasok ako, at the same time, bitbit ko itong mga chicharon. Dala ko ito sa eskwelahan, at may mga pinagbibilinan ako sa ibat-ibang department sa IT, HRM, Education, idinidistribute ko ito. At pagdating ng hapon, saka nila ibinibigay ang benta sa akin,"


Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Tatay Jesus kung paano niya nakayanan at nalagpasan ang lahat ng mga pinagdaanan paghihirap sa apat na taon na pag-aaral at paghahanapbuhay para sa mga anak.


Umaapaw ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong nagtitiwala sa kanya, sa mga suki niya sa chicharon na patuloy na tumatangkililik, at sa suporta pag-intindi ng kanyang mga kaklase at mga professors sa lahat ng pagkakataon.  


Aniya, hindi siya titigil sa pagtatrabaho habang hinihintay ang panahon para sa pagrereview upang maipasa ang licensure exam upang maging ganap na guro. At kung papalarin, nais din niyang magturo sa lugar ng kanyang ama sa Malabuyoc, Cebu upang maalagaan niya ito.  


Narito ang kanyang buong pasasalamat at kwento: 



"I can do all things through Christ who strengthens me".

Philippians 4:13. 


I would like to extend my deepest gratitude to our god for always there for me everytime when I needed him in all my ups and downs.


Next, to my family thank you so much for supporting me, kahit sa sobrang kahirapan natin, andiyan parin kayo nakasuporta sa akin. Lalo na sa pagsisikap kong makagtapos para sa ating pamilya. Dahil sa inyo nakapagtapos ako sa pag-aaral. Kayo ang naging rason at inspirasyon ko kung bakit ako gumigising ng maaga para magtinda at masumikap pa. ❤️😘🙏


To my relatives and friends, salamat sa inyong unending support para sa akin at sa aking pamilya. Malaki ang aking pasasalamat sa inyo.☺️❤️

 

Sa aking mga suki sa chicharon, maraming salamat sa inyong pagsuporta sa aking maliit na  paninda, okay lang na konte at maliit basta meron. Umulan man o umaraw, pupunta ako sa bawat bahay ninyo para may maipang-sustento ako sa mga anak ko at pamilya. 




Isa rin kayo sa dahilan kung bakit ako nagpapatuloy magpursige araw-araw sa buhay, dahil nagtiwala kayo at naiintindihan ninyo ang pagsisikap ko, isa kayo sa dahilan sa malaking achievement ko sa buhay. Kahit pa nagsawa na kayo sa pagmumukha ko dahil pabalik-balik ako sa inyo bumubili parin kayo. Maraming salamat sa inyo mga suki. ☺️👏❤️Sanay bumili parin kayo sa chicharon ko,"🤣☺️  



To my classmates, maraming salamat sa inyo dahil palagi lang kayo sa aking tabi, sa mga panahon na nangangailangan ako ng tulong like sa mga reporting or demo ko, alam ko na iniintindi niyo lang ako dahil sa kulang ang oras ko pero nagpapasalamat parin ako sa inyo kasi sumurporta parin kayo sa akin. Maraming salamat sa inyo my college classmates. 😊❤️



To my professors, maraming salamat ma'am at sir kasi dahil sa inyo nakapagtapos ako, at kung wala kayo wala ako ngayon sa dream course ko na ito, salamat sa opportunity at sa suporta ninyo. Maraming salamat sa inyong pag-intindi sa mga reportings ko. A big thank you to all of you!!❤️☺️👏 Inspirasyon ko rin kayo araw-araw. .😭😊


At sa lahat,   thank you so much for all the support from the start to the end. 


To my loved ones again, i love you so much and this is all for you. You were always there to motivate me everyday😘. You are my inspiration.😭🥺 Kahit na mahirap tayo ngayon, ang mahalaga patuloy lang tayo. Huwag tayong magpadala sa mga problema. Tiis lang muna, uunlad rin tayo pagdating ng panahon in by God's grace. 🙏😭☺️




I MADE IT! NOTHING IS IMPOSSIBLE WITH GOD!🙏😭🥺

FUENTES, JESUS TIWAN

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION 

BEED

DAGHANG SALAMAT! 👏TCC (TALISAY CITY COLLEGE). Hanggang sa muli😭☺️! Adios!😊


***

Source:  Jesus Fuentes

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!