Amang hindi na maigalaw ang kalahati ng katawan, itinataguyod ang pamilya bilang mekaniko - The Daily Sentry


Amang hindi na maigalaw ang kalahati ng katawan, itinataguyod ang pamilya bilang mekaniko




Ano pa bang hindi kayang gawin ng mga responsableng ama para sa kanyang pamilya? Lahat ng sakripisyo at pagmamahal ay ibinubuhos upang maitaguyod ang pamumuhay at maibigay ang maga pangangailangan ng mga anak. Kahit pa man tinatago ang  katotohanang nahihirapan na minsan dahil sa hirap na pinagdadaanan, wala sa bokabularyo ang pagsuko. 


Nagviral ang isang post ngayon tampok ang isang ama na paralisado ang katawan, hindi na niya nagagalaw ang kanyang pang-ibabang parte ng katawan. Ngunit, kahit pa man sa kanyang kalagayan hindi ito naging dahilan upang huminto siya sa buhay. Patuloy parin siyang nag tatrabaho bilang isang magiting na mekaniko upang maitaguyod ang pangangailangan ng kanyang pamilya.


“If you think your life is difficult, please look back at his life to see how difficult it is! But he does not give up work and dreams. 👏 Do not despair as long as your breath is still ❤️” 



Pinagmumulan siya ngayon ng inspirasyon at hinahangaan ng karamihan dahil sa angking kabutihan at kasipagan bilang isang magulang kahit pa sa pisikal nitong kalagayan ay buong-buo paring ginagampanan ang kanyang resposibilidad sa pamilya.  


Makikita sa mga larawang ibinahagi na kayang-kaya niyang gumawa ng kahit anong klaseng mga sira mapa-malalaking sasakyan man yan hanggang sa pinakaliit na mga gamit na kaya niyang kumpunihin at ayusin. 



Tanging ang isang folding bed lang ang kanyang pinapapatungan upang maabot ang matataas na parte ng kinukumpuni katulad ng malalaking trucks. Ito na din mismo ang nagsilbi niyang sandalan sa araw-araw na pagtatrabaho na siyang pangunahing pinagkukunan ng kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan. 



Mahirap at mabigat man ang trabaho niya, hindi siya pinapabayaan mag-isa, umaalalay rin ang kanyang anak sa mga ginagawa niya, kahit papano'y napapadali sa kanya ang trabaho.   


Dito na din siya tinutulungan habang pinaliliguan ng kanyang mapagmahal na asawa, na 'di tulad ng iba na kapagka may malaki ng problema o may pinagdadaanang sakit ang asawa imbes na samahan at alalayan ay mas pinili pang umalis at iwanan ang pamilya.  


Kahit pa mahirap sa tingin ng marami, walang hindi kakayanin pag palaging nakasuporta at nakaalalay ang pamilya sa paghahanapbuhay.  






Iniidolo ng mga netizens ang kanyang angking sipag kahit pa sa klase ng trabaho niya bilang isang mekaniko, na nangangailangan minsan ng buong lakas ng buong katawan ay nakayanan niya padin ang lahat, tunay na nag-uumapaw ang pagiging responsable niya bilang Ama. 



Hindi nawawala ang oras niya sa mga anak at buong myembro ng pamilya, marahil sila ang pinaghuhugatan niya ng lakas sa araw-araw na paghahanapbuhay at lagi namang nakasuporta sa kanya.  




Naiiugnay din siya sa mga tao na kahit pa malalakas pa ang mga katawan at walang mga kapansanan ay nagagawa pading gumawa ng masasama, manlamang at manloko ng kapwa upang mabilisang kumita. 


***

Source: PhilNews

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!