Sadyang naging inspirasyon sa mga estudyante ngayon ang 91 taong gulang na si Lolo Federico Bentayen mula sa Balbalayang, San Gabriel La Union.
Isa si Lolo Federico o mas kilala raw bilang Lolo Pedring sa mga masayang estudyante na nakapagtapos ng Senior High School sa Balbalayang National High School at tinagurian pa itong "Model Student of the Year"
Nabigyan pa ito ng pagkakataon na makapagsalita sa entablado upang maibahagi ang naging karanasan tungo sa tagumpay na kanyang nakamtan at magbigay inspirasyon sa mga kabataan.
Ayon sa mga guro ng nasabing paaralan, nahinto sa pag-aaral si Lolo Pedring noon para mag hanap buhay at tustusan ang pangangailangan ng pamilya, pati rin ang mapag aral ang kanyang 6 na mga anak.
Femie Aligo Apola | Facebook
Femie Aligo Apola | Facebook
Lumaking relihiyoso at naging bahagi ng buhay nito ang ipahayag at aralin ang mga salita ng Diyos. Hindi rin matawaran ang pagnanais nito na makapagtapos ng pag-aaral.
At nang mabigyan ng pagkakaton na makapag enrol sa ALS o Alternative Learning System sa edad na 88 taon ay hindi na niya ito pinalagpas pa.
Mahabang panahon man ang hinintay ng graduate na lolo, hindi ito naging hadlang para makamit niya ang pinakaaasam na pangarap, ang makapagtapos.
Femie Aligo Apola | Facebook
Femie Aligo Apola | Facebook
Kasama ng 91-anyos ang kanyang anak na si Josie na umakyat sa entablado upang tanggpain ang kanyang diploma.
Gaya ng inaasahan, naguumapaw na pagbati ang natanggap ni Lolo Pedring mula sa pamilya, kaanak, maging sa social media at talaga namang hindi matawaran ang paghanga ng mga netizens sa nag-graduate na matanda.
"His life is an inspiration to us, his immediate family, to the clan, and to the community."
"Congratulations dear Lolo"
"Thank you Balbalayang High and to all Teachers being part of Lolo's success.This is history. Let's make this Viral" - Hazel Bentayen
Femie Aligo Apola | Facebook
Femie Aligo Apola | Facebook
Source: Femie Aligo Apola | Facebook