Isang mahalagang paalala ang ibinahagi ng isang registered pharmacist sa kanyang Facebook account ng minsa'y magtanong sa kaniya ang kanyang dating propesor tungkol sa isang malakas na uri ng antibiotic.
Isa raw umano ang gamot na ito sa pinakamahal at pinakamalakas na uri sa buong mundo kaya hindi ito madaling hanapin.
Laking gulat pa ng pharmacist na si Kayemee Canlas ng malamang napakabata pa ng pasyente na nangangailangan nito. Linezolid 100mg/5mL 2x a day ang nireseta sa 6 na taong gulang na bata.
Agad na bahala si Kayemee dahil bukod sa sobrang lakas ay sobrang mahal din at sobrang hirap hanapin ng antibiotic na ito. Nagkakahalaga raw ito ng mula P4,000 - P21,000 libong piso.
Kayemee Canlas | Facebook
Kayemee Canlas | Facebook
Ang tawag raw sa mga ganitong uri ng gamot ay "reserve antibiotic" na ang ibig sabihin ay ito na ang huling opsyon ng isang pasyente. Hindi na tatalab pa ang ibang uri ng antibiotic kaya't kung hindi magiging mabisa ang Linezolid sa katawan ay maaaring ikasawi ng buhay ng may sakit.
Upang makapagbigay kaalaman sa nakararami, ipinagpaalam at pinayagan naman si Kayemee na isa-publiko ang kanilang usapan.
Kayemee Canlas | Facebook
Kayemee Canlas | Facebook
"the patient used to take antibiotics for simple cough and flu, yan na lang tumatalab sa kanya" paliwanag ng propesor ukol sa batang may sakit.
Dahil sa hindi kaagad na pagpapakonsulta sa doktor ay humantong sa ganitong sitwayon ang kawawang 6 years old.
Posible rin na sa tuwing magkakasakit ito ay wala ng ibang gaganang gamot sa kanya kundi ang Linezolid.
Kayemee Canlas | Facebook
Kayemee Canlas | Facebook
Mahigit 24 oras nilang nilibot ang Pampanga partikular na sa Angeles at San Fernando para hanapin kung saan makakabili nito ngunit out of stock o hindi ito available sa mga botikang kanilang pinuntahan.
Mabuti na lang at kahit naka "day-off" ay handang tumulong ang mga kasamahan ni Kayemee sa industriya ng parmasya hanggang sa mahanap at makabili sila ng nasabing antibiotic sa Capas, Tarlac.
Kayemee Canlas | Facebook
Kayemee Canlas | Facebook
Kaya maigting na pinaalalahan ng mga parmasyutiko na huwag basta basta iinom ng antibiotics kung walang reseta at rekomendasyon ng isang doktor. Huwag din basta basta magrekomenda nito sa mga kaanak o kakilala.
Kung nagpa-konsulta na sa doktor at niresetahan nito ay siguraduhing itong tapusin at inumin sa tamang oras. Iwasan ding magdesisyon na paulit-ulit itong inumin kung sa palagay mo na hindi ito tumalab dahil sa pabalik-balik na sintomas.
Kayemee Canlas | Facebook
Kayemee Canlas | Facebook
Source: Kayemee Canlas | Facebook