Arestado ang isang drug suspect mula Cebu City na si Elmer Alfonso Camia alyas "Kape" nasakote ito ng mga awtoridad at nakuhanan ng halos 100 gramo ng hinihinalang sh@bu na nagkakahalaga ng mahigit P680,000 libong piso.
Ito ay matapos magsagawa ng isang buy-bust operation ang intelligence unit ng Cebu City Police Office ng Barangay Kalunasan.
Nitong Lunes ay pinagpiyestahan sa social media ang mga larawan ng arestadong 37-anyos dahil sa hitsura ng kanyang mukha.
Tila hindi nabagabag at walang kakaba-kaba ang mukha ni Elmer na pangisi ngisi pa sa harap ng camera, habang kinukuhanan ng litrato at nakatingin sa mga nakompiskang pinagbabawal na gamot.
Napaisip tuloy ang sangkatauhan kung ito ba ay sadyang masayahin o talagang malakas lang ang tama ng mga oras na iyon.
The Freeman | Facebook
The Freeman | Facebook
Pagbibiro pang ikinomento ng isang netizen na kaya raw natatawa si Kape, ay baka raw dahil sa P500 piso lang ang nakalatag sa lamesa, baka naitago pa raw nito ang ibang pera.
Ayon sa pulisya, bandang alas kwatro ng hapon ng masakote ang itinuturing na high-value drug personality na si alyas 'Kape' sa Unit 5, Opra, Brgy. Kalunasan Cebu City.
21 pakete ng hinihinalang sh@bu ang nakumpiska ng mga alagad ng batas sa pamumuno ni PNP Police Lieutenant General Vicente D Danao Jr.
The Freeman | Facebook
PNP | Facebook
Source: The Freeman | Facebook