Ang 'pagtutuli' o 'pagsusunat' ay isang proseso kung saan tinatanggal ang kapirasong balat sa dulo ng ari ng mga lalaki.
Ang kasanayan na ito ay karaniwang ginagawa sa mga bansa na kung saan karamihan sa populasyon nito ay mga katoliko, kagaya ng Pilipinas. Dito, karaniwang nagpapatuli ang mga lalaking nasa mga edad na 8 hanggang 15.
Kaya't agaw pansin sa social media nang magsanib-pwersa ang tatlong kababaihan kawani ng RHU (doktor at nars) upang tuliin ang isang 22 taong gulang na lalaki sa Pangasinan.
Maituturing na kasaysayan daw umano sa lugar ang pangyayari dahil sa unang beses lamang nilang maka-encounter ng ganitong edad ng binata na magpapatuli.
Pahayag ng tumuling si Doktora Raquel Ogoy, mayroon daw siyang anatomical problem o problema pangkatawan.
Dr. Raquel Ogoy via Russel Simorio GMA
Dr. Raquel Ogoy via Russel Simorio GMA
“Actually ‘nung nakita namin. Meron syang anatomical problem. Maliit ung butas ng ari nya kaya hindi makalabas ung ulo. So most likely nadefer ng paulit-ulit. Hanggang sa ayaw nya na siguro.” ani Dr. Ogoy.
Ayon sa mga nag komento ukol sa balita, ang ganitong klase raw ng kondisyon ay kadalasang tinatanggihan lalo na sa mga nagsasagawa ng mga libreng tuli.
Maselan daw ang kondisyong ito kaya mabuting sa mga eksperto na lang ipagawa ang proseso, para mas maayos at maiwasan ang kung ano mang impeksyon.
Gayunpaman, isang malaking hakbang para sa mga kalalakihan ang nalagpasan at napagtagumpayan ng 22-anyos na binata.
Sabi nga ng ilang netizens, "Congrats! Isa ka nang ganap na lalaki"
Dr. Raquel Ogoy via Russel Simorio GMA
Dr. Raquel Ogoy via Russel Simorio GMA
Source: Russel Simorio GMA | Facebook