13-anyos na batang ama, nanlumo matapos malamang hindi siya ang totoong tatay - The Daily Sentry


13-anyos na batang ama, nanlumo matapos malamang hindi siya ang totoong tatay



Ang mga batang nasa edad labing tatlo pa lamang ay dapat nasa eskwelahan at nag-aaral o kaya naman ay naglalaro at nag-eenjoy kasama ang kanyang mga kaibigan.
Alfie Patten and Chantelle Stedman / Photo credit to the owner

Kung pwede lamang ay hindi muna dapat nila maranasan ang hirap at bigat ng pagiging magulang.

Samantala, isang 13-year-old na batang lalaki ang biglang naging instant tatay sa bansang United Kingdom.

Taong 2009, kinilala si Alfie Patten bilang pinakabatang ama sa buong mundo kung saan sumikat ang pangalan niya at lumabas sa lahat ng pahayagan.
Alfie Patten  / Photo credit to the owner
Alfie Patten  / Photo credit to the owner

Katulad na ibang mga bata, masayang nakikipaglaro si Alfie sa kanyang mga kaibigan at kapitbahay na si Chantelle Stedman, 15-anyos. Lumaki umano silang laging magkasama.

Si Chantelle ay may limang kapatid. Parehas walang trabaho ang kanyang mga magulang at umaasa lamang sa ayuda ng kanilang gobyerno.

Si Alfie naman ay may walong kapatid. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa isang towing company habang ang kanyang ina ay nasa bahay lamang.
Photo credit to the owner
Alfie Patten  / Photo credit to the owner

Lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang, sina Alfie at Chantelle ay magkasintahan na sa murang edad. 12-anyos pa lamang si Alfie noon at 14 naman ang babae.

Isang araw habang sila ay naglalaro, kinausap ni Chantelle si Alfie at sinabing siya ay buntis.

“I’m carrying your baby, and I want to give birth to him!”

Walang kaalam-alam si Alfie sa pagiging ama at kung ano ang mangyayari sa kanila ni Chantelle kaya naisip nilang ilihim ito sa kanilang mga magulang.
Alfie Patten  / Photo credit to the owner
Alfie Patten  / Photo credit to the owner

Ngunit sa paglipas ng ilang araw at linggo, napansin ng ina ni Chantelle ang paglaki ng kanyang tiyan. 

Kwento ni Chantelle, ”The doctor asked me whether we had sex.” 

"I said yes and he said I should do a pregnancy test. He did the test and said I was pregnant. I started crying and didn't know what to do.

"He said I should tell my mum but I was too scared.

"We didn't think we would need help from our parents. You don't really think about that when you find out you are pregnant. You just think your parents will ki1l you
,” dagdag nito.
Alfie Patten and Chantelle Stedman / Photo credit to the owner
Alfie Patten and Chantelle Stedman / Photo credit to the owner

Nabigla at nagulat ang mga magulang ng dalawang bata ngunit wala na itong magagawa kundi tanggapin na lamang ang pangyayari.

"When my mum found out, I thought I was going to get in trouble. We wanted to have the baby but were worried how people would react," sinabi ni Alfie.

"I didn't know what it would be like to be a dad. I will be good, though, and care for it."

February 9 nang manganak si Chantelle. Mabilis na kumalat ang balita patungkol kay Alfie na isang batang ama. 
Alfie Patten and Maisie / Photo credit to the owner
Alfie Patten and Maisie / Photo credit to the owner

Pinangalanan naman nila ng Maisie ang kanilang anak.

Naging mainit na balita ang kwento ni Alfie sa kanilang bansa at sa buong mundo. Araw-araw ay marami umanong mga media at reporters sa labas ng kanilang tahanan at naghihintay na mainterview siya.

Nang kumalat ang balita patungkol kina Alfie at Chantelle, walong lalaki umano ang lumabas at sinasabing sila ang ama ni Maisie.

Lahat raw sila ay naging boyfriend ni Chantelle.

Nang malaman ito ni Alfie, ipinagtanggol niya si Chantelle at sinabing gusto lamang ng atensyon ang walong lalaki.

"When she found out she was having a baby, I asked her 'Am I the dad?' and she went 'Yeah' so I believe her," sabi ni Alfie.

At upang matigil na ang mga usapin, nakumbinsi si Alfie ng kanyang ina na sumailalim sila ni Maisie sa DNA test.

"I didn't know about DNA tests before, but Mum explained it's when they do a swab in your mouth and it tells you if you're the dad.”

"So, if I have that, they can all shut up. But I don't really care what people say. And I don't like them being bad about Chantelle."

Nang lumabas ang resulta ng DNA test, nagulat ang lahat dahil hindi si Alfie ang ama ng bata at isang nagngangalang Tyler Bake umano ang totoong tatay nito.
Tyle Bake / Photo credit to the owner
Tyle Bake / Photo credit to the owner

Ayon sa usap-usapan sa kanilang lugar, hindi lang si Alfie ang nakarelasyon ni Chantelle. Nagkaroon umano ito ng relasyon sa iba’t ibang lalaki at isa na si Tyler doon.

Tila gumuho umano ang mundo ni Alfie ng malaman ang katotohanan. Sinira ni Chantelle ang kanyang buhay. Nag dropped out siya sa eskwelahan at ayaw nang lumabas ng kanilang tahanan.

Samantala, ang pamilya naman ni Chantelle ay lumipat na ng tirahan upang makaiwas sa mga usap-usapan.

Makalipas ang labing dalawang taon, nasa edad 25-26 years old na si Alfie.
Alfie Patten / Photo credit to the owner

Alfie Patten / Photo credit to the owner

Ayon sa balita, hindi pa rin naging mabuti ang kalagayan ng buhay ni Alfie. Nag-iba na rin ang kanyang itsura. Mula sa cute at gwapong bata noon ay tila hindi mo na makilala ang kanyang itsura.

“Media reports that he was sentenced to 2 years of probati0n due to sh0plifting and ill3gal poss3ssion of forg3d fir3arms,” ayon sa report.


***
Source: Good Times