Naging emosyonal ang komedyanteng si Tuesday Vargas matapos niyang ibahagi sa social media ang kalagayan ng kanyang buhay noon.
Photo credit: Tuesday Vargas IG
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Tuesday ang kanyang larawan kung saan ipinakita niya ang kanyang mga pinamili sa isang kilalang membership shopping club.
Inalala ni Tuesday ang dati niyang buhay bago siya pumasok sa mundo ng showbiz at simulan ang pagnenegosyo.
Aniya, hindi umano siya nagpost upang magyabang kundi upang makapagbigay ng inspirasyon sa ibang tao.
Photo credit: Tuesday Vargas IG
Photo credit: Tuesday Vargas IG
Kwento niya, dati ay nagdadala pa raw siya ng calculator tuwing namimili sa grocery stores upang masiguro na pasok sa kanyang budget ang mga bibilhin.
“Dati kapag namimili ako, bawat piraso ng bawang binibilang ko kung kasya ang pera ko. Nagdadala ako ng calculator (kasi pati telepono ko noon mumurahin lang walang calculator) para makita ko kung pasok pa sa budget,” ani Tuesday.
Aniya, nakakatikim lamang siya ng imported goods tuwing magpapadala ang kanyang nanay o tuwing may kamag-anak silang uuwi ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
Photo credit: Tuesday Vargas IG
Photo credit: Tuesday Vargas IG
“Ni wala akong membership sa kahit anong shopping club. Nakaka tikim lang ako ng imported na grocery items kapag nagpapa dala ang Mama ko o kaya may kamag-anak na umuwi sa Pinas at may pasalubong,” ani Tuesday.
Pag-amin pa ni Tuesday, lumaki siyang bumibili sa palengke.
“Batang palengke talaga ako kung saan lahat de takal at lahat pwedeng tingi tingi lang,” aniya.
Ngunit dahil daw sa kanyang pagsusumikap sa trabaho at pagnenegosyo, unti-unti na siyang nakakabili ng mga mamahaling bagay.
Tuesday Vargas / Photo credit to the owner
Tuesday Vargas / Photo credit: PEP
“Pero dahil masipag ako (as in ilan ang trabaho ko) at dahil sa paycheck ko sa business namin ng essential oils, nakakayanan kong mag tabi para maka bili ng healthy na mga pagkain,” aniya.
“Aba ang mahal pala ng mga organic, grass fed chururut. Pero mas mainam kasi kung makaka iwas ka sa sakit in the long run, kailangan mag invest tayo sa katawan natin,” dagdag niya.
Aniya, hindi lamang ito simpleng bagay lalo pa’t pagod at sakripisyo ang ibinuhos niya para rito.
Tuesday Vargas / Photo credit to the owner
Tuesday Vargas / Photo credit to the owner
“Pwedeng simple ito para sa iba. Pero kasi po kanina naiiyak ako habang nilo load sa cart ang mga bagay bagay at nagawa ko siyang bayaran galing sa pagod at sakripisyo ko nang di ako kinakabahan sa bawat beep ng kahera,” saad ni Tuesday.
“Siguro marami sa inyo ang makaka relate dito. Ang simpleng pag provide sa pamilya ay isang napakalaking source ng pride at joy para sa isang nanay na katulad ko. Salamat universe for the blessings. Wish ko po lahat ng tao biyayaan nyo din. Amen,” dagdag pa niya.
Narito ang kanyang buong post:
"Seryosong post at hindi yabang:
Dati kapag namimili ako, bawat piraso ng bawang binibilang ko kung kasya ang pera ko. Nagdadala ako ng calculator (kasi pati telepono ko noon mumurahin lang walang calculator) para makita ko kung pasok pa sa budget. Ni wala akong membership sa kahit anong shopping club. Nakaka tikim lang ako ng imported na grocery items kapag nagpapa dala ang Mama ko o kaya may kamag anak na umuwi sa Pinas at may pasalubong. Batang palengke talaga ako kung saan lahat de takal at lahat pwedeng tingi tingi lang.
Pero dahil masipag ako (as in ilan ang trabaho ko) at dahil sa paycheck ko sa business namin ng essential oils, nakakayanan kong mag tabi para maka bili ng healthy na mga pagkain. Aba ang mahal pala ng mga organic, grass fed chururut. Pero mas mainam kasi kung makaka iwas ka sa sakit in the long run, kailangan mag invest tayo sa katawan natin.
Pwedeng simple ito para sa iba. Pero kasi po kanina naiiyak ako habang nilo load sa cart ang mga bagay bagay at nagawa ko siyang bayaran galing sa pagod at sakripisyo ko nang di ako kinakabahan sa bawat beep ng kahera.
Siguro marami sa inyo ang makaka relate dito. Ang simpleng pag provide sa pamilya ay isang napaka laking source ng pride at joy para sa isang nanay na katulad ko.
Salamat universe for the blessings. Wish ko po lahat ng tao biyayaan nyo din. Amen."
***
Source: Tuesday Vargas | IG