Retired Manager ng Tropical Hut, masayang nagdiwang ng 'Father's Day' sa kanyang dating pinagtatrabahuhan. - The Daily Sentry


Retired Manager ng Tropical Hut, masayang nagdiwang ng 'Father's Day' sa kanyang dating pinagtatrabahuhan.



Nagsimula bilang janitor ang retired manager ng Tropical Hut na si Antonio Boneo. Mula 1978 ay na-destino ito sa mahigit 17 branches hanggang sa unti-unti itong na-promote bilang manager ng nasabing fast-food chain.

Sabi ng anak nitong si Marian Boneo sa isang panayam ay 42 years nagtrabaho ang kanyang ama sa THH o Trocial Hut Hamburger bago ito mag retiro.




"Buong buhay niya sa THH niya nilaan ang kanyang oras at masasabi kong nobody cared for Tropical as much as he did,"

Viral ang social media post ni Marian kung saan ay ipinagdiwang nila ang Father's Day kung saan naging empleyado ang kanyang ama ng mahabang panahon.

Dahil sa muling pagsikat ng dating pinagtatrabahuhan, labis ang kagalakan ng retiradong manager na si "Sir Tony".

@marianboneo | Twitter

@marianboneo | Twitter


"Natuwa naman siya na maraming tao, may mga nakasalamuha siya before na nag-message sa akin, 'kilala ko dad mo, mabait siya.' Sinabi ko sa kanya, medyo teary-eyed siya." Ani Marian.

"Dati nung mga bata kami, 'pag sinabi namin 'pas', ibig sabihin nun pasalubong. Magdadala siya either burger, fries, or spaghetti. Kapag Christmas party naman, ang dadalhin namin isang bucket ng chicken ng Tropical Hut kasi 'matik na 'pag Tropical Hut, kami talagang magkapatid naalala ng friends namin." dagdag pa nito.

@marianboneo | Twitter

@marianboneo | Twitter


Nang kasagsagan ng pandemya, ilang branches ng Tropical Hut ang nagsara. Pahirapan din ang transportasyon noon kaya ala-5 pa lang ng madaling araw ay naglalakad na si Sir Tony mula sa kanilang tahanan sa Cembo Makati, hanggang sa THH Shaw Blvd Mandaluyong.

"Ang dami nilang stocks nun na 'di nagamit kasi 'di masyado 'yung order, tapos ang daming branches na nag-close down nung pandemic," Ayon kay Marian.

Pero dahil sa mainit na pinaguusapan ngayon ang Tropical Hut ay nagkakaubusan na ng stocks ang mga branches nito. Mapa-online, Dine-in o Take-out ay hindi magkamayaw ang mga tumatangkilik dito.

@marianboneo | Twitter

@marianboneo | Twitter


Muling nanumbalik ang ningning ng fast-food chain nang dahil sa viral tweet ng isang netizen nang ibahagi nito ang larawan, kung saan ay tanging siya lang ang kumakain na customer sa Tropical Hut sa Escolta.

Dahil kinakailangang mag-adjust ng THH dahil sa biglaang pagusbong nito, kaunting pasensiya at panahon para makasabay sa muling pagdami ng customers ang hiling nito.

"Sana hindi lang tayo maging customers for now, sana maging regular customers tayo sa Tropical Hut." Ani Marian.

@marianboneo | Twitter

Antonio Boneo | Facebook