Pinoy Tricycle Driver, viral dahil nakapangasawa umano ng magandang foreigner - The Daily Sentry


Pinoy Tricycle Driver, viral dahil nakapangasawa umano ng magandang foreigner



 

Larawan mula sa kami.com.ph

Minsan sa buhay ng tao ay hindi mo kailangan maging maganda o gwapo para magustuhan ka ng taong gusto mo, dahil mayroon iba na hindi tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao kundi tinitignan nila sa busilak na kalooban ng isang tao.


Kaya naman viral sa social media ng larawan ng isang Pinoy na tricycle driver kasama ang isang magandang foreigner.


Ayon sa post ng isang Facebook fan page na "Pilipinas Trending" isa daw tricycle driver ang lalaki at napangasawa nito ang magandang Amerikana na kasama nito sa larawan. 


Sinabi din sa naturang post ang dahilan kung bakit na-inlove sa isa't isa ang dalawa kahit na parang malayo ang agwat ng kanilang buhay.


"Guys.. Eto po yung tricycle driver na nakapangasawa ng Amerikana..

Larawan mula sa kami.com.ph

Ayon din sa post, nahulog ang puso ng babae sa tricycle driver dahil sobrang hospitable, magalang, mabait at nakapa-mapagmahal daw ito.


Patunay lamang na ang babaeng ito ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo kundi sa busilak na kalooban ng isang tao.


Madaming humanga sa foreigner dahil kahit tricycle driver lang yung lalaki ay minahal pa din niya ito na hindi din maipagkakaila ang kabutihang loob ng isang babae.


"Tunay na pag-ibig talaga dahil nagustuhan daw ng foreigner na ito ang pagiging hospitable, magalang, mabait at mapagmahal na pinoy, hindi sya tumitingin sa panlabas na anyo.. " ayon sa post 


"kaya sa mga single dyan wag kayo mawalan ng pag-asa dahil may nakalaan ang Diyos para sa'yo." dagdag pa nito 


Umani naman ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens.


Ayon sa isang netizen, ganoon daw talaga ang mga ibang lahi, hindi tumitingin sa pisikal na anyo ay bumabase sila sa kabutihang loob ng isang tao.

Larawan mula sa kami.com.ph

Meron din nagsabi na aanhin nga naman ang guwapo kung babaero naman ito, kung kaya naman dapat ay unahing piliin ang may mas mabubuting kalooban kesa sa magandang panlabas na anyo.


Ayon pa sa isang netizen, hindi daw kasi uso sa mga amerikana ang diskrminasyon, hindi tulad sa Pilipinas na punong-puno ng panlalait sa kapwa. 


Meron din ilan na hindi naniniwala na na-inlove nga ang babae sa isang tricycle driver na kagaya ni kuya.


Gayunpaman, hindi naman mahalaga kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa kanila, dahil ang importante ay masaya silang magkasama at nagmamahalan.

Larawan mula sa kami.com.ph

Isa lang ang malinaw sa ipinakita ng dalawang nagmamahalang ito, na hindi basehan ang pisikal na kaanyuan pagdating sa pag-ibig dahil mas importante na maging kabiyak ng puso mo ay ang yung taong kaya kang respetuhin, igalang, mahalin at tanggapin ang buong pagkatao mo kahit ano man ang mayroon ka. 

Kung ikaw ang tatanungin, naniniwala ka ba na wala sa itsura ang tunay na pag-ibig?


Sa kabilang banda naman ay sumikat din sa social media ang pagiibigan ng isang pinoy surfer na si John Mark Tokong matapos na ikasal siya sa isang magandang dayuhan na si Danni Hughes.

Larawan mula kay John Mark Tokong

Sa isang post sa kanilang Instagram account, ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga larawan kung saan ay ginanap ang kanilang kasal na tila sa garden pa ginawa.

Larawan mula kay John Mark Tokong

Marami ang namangha sa naging relasyon ni John Mark at Danni dahil bukod sa pagkakaiba nila ng kulay ay malayo din ang kanilang taas.


Sa kanilang ibinahaging mga larawan ay mapapansin na kasama din ang kanilang napaka-cute na anak na si Olive na tila kumbinasyon ng mukha ng dalawang magkasintahan.


Noong nakaraang taon ay pinatunayan ni John Mark ang kanyang angkin na husay sa pagsu-surfing kung saan ay nagwagi siya sa isang paligsahan na tinawag na 25th Siargao Cloud 9 International Surfing Cup.

Larawan mula kay John Mark Tokong

Marami ang naging taga-hanga ni John Mark mula sa social media dahil sa pagiging aktibo nito sa pagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa surfing at sa kanyang pamilya.

Larawan mula kay John Mark Tokong

Isa lang ang malinaw sa ipinakita ng dalawang nagmamahalang ito, na hindi basehan ang pisikal na kaanyuan pagdating sa pag-ibig dahil mas importante na maging kabiyak ng puso mo ay ang yung taong kaya kang respetuhin, igalang, mahalin at tanggapin ang buong pagkatao mo kahit ano man ang mayroon ka.


****

Source: kami.com.ph