Doble kayod para sa pangarap makapagtapos!
Marami ngayon sa mga kabataan ang may kakayanan at may buong suporta ng pamilya para makapag-aral sa mga magagandang institusyon, pampubliko man o sa pribadong paaralan na hindi na kailangan pang ranasin ang paghihirap sa buhay hanggang sa makapagtapos sa kanilang pag-aaral.
Doble rin ang bilang ng mga kabataan ang nabubuhay na sa hirap at tanging ang pagpupursige at pagsisikap lamang ang pinanghahawakan makamit lang ang minimithing tagumpay.
Tunay ding nakakapanghinayang malaman na marami sa mga indibidwal ang nabibigyan ng magandang pagkakataon at swerte sa buhay ay sila pa kalimitan ang mareklamo at sinasayang lang ang suporta para sa kanilang pag-aaral.
Marahil nagtataka ang marami kung paano pa nabibigyan ni Jesus ng oras ang sarili sa pag-aaral kung gayong napakahirap na ng kanyang trabaho sa pagcoconstruction. Pinagsasabay niya sa araw-araw na pagpasok sa trabaho ang pag-aaral.
Habang nasa trabaho, ginagamit niya ang oras na sana'y kanyang ipagpapahinga tuwing breaktime sa pagsasagot ng kanyang mga modules at mga aralin, imbes na bumawi ng lakas ay iginugugol niya ito sa pag-aaral.
"Habang ang mga ka trabaho niya ay nagpapahinga at natutulog, samantalang sya ay binibilisan nya yung pag answer kasi babalik nanaman sya sa trabaho niya," saad sa post.
Habang ang iba ay nasa komportable nilang mga tahanan, nakaupo at hawak lamang ay ang kanilang mga panulat at ang mga learning modules, si Jesus ay pumapasok baon hindi lang ang lakas ng pangangatawan at mga gamit nito sa pagiging construction worker kundi dala-dala din niya ang mga aralin sa eskwelahan, kasama ang tiwala sa sarili na darating din ang panahon na aanihin niya ang tamis ng pagtatagumpay.
Iba't ibang pagsubok man ang mga pinagdadaanan ng mga estudyante ngayon sa mga pagbabago ng sistema at pamamaraan ng pag-aaral at posibleng doble ang dagok na nararanasan ni Jesus dahil dito, ngunit nagawan pa rin niya ng paraan kaya't pinagsasabay nalang ang mga ito.
Ang mga kuhang larawan ni Jesus na ini-upload ni Rael Jr. na nakaupo lamang sa isang binaligtad na gamit na balde ng pintura ay bumihag sa puso at nagsilbing inspirasyon ng marami.
Ito ang kabuuan ng post:
Yung iba nag papak*m*tay dahil sa MODULE🥺 samantala itong construction worker , dinadala niya ang kanyang module para makapag answer lang kung break time niya,✍️ habang ang mga ka trabaho niya ay nagpapahinga at natutulog, samantalang sya ay binibilisan nya yung pag answer kasi babalik nanaman sya sa trabaho niya🥺
sya po si JESUS CAONES
Pa Share na lang po!
baka sakaling my mabuting loob na makatulong sakanya !
God Bless po 😇