Pagmamahal at sakripisyo ng isang Ina, pasan ang may kapansanang anak hanggang nagtapos ng kolehiyo - The Daily Sentry


Pagmamahal at sakripisyo ng isang Ina, pasan ang may kapansanang anak hanggang nagtapos ng kolehiyo




Walang sukatan ang pagmamahal ng mga dakilang Ina sa kanilang mga anak, lahat ng pagsasakripisyo ay kayang pasanin maibigay lang ang buong suporta para sa pangarap ng mga anak makapagtapos ng pag-aaral. 


Marami ang naantig sa kwento ng tunay na tagumpay na nakamit ng mag-Inang sina Crestina at ang anak nitong si Jaylen na may kapansanan. 


Kulang ang salitang pasasalamat ayon kay Jaylen na ngayo'y abot kamay ang tagumpay nang makapagtapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Office Administration sa Primasia Foundation College, hindi lang dahil sa kanyang determinasyon kundi dahil hindi siya sinukuan ng kanyang Ina na pasan-pasan siya hanggang matanggap ang kanyang mga diploma. 



"Mahirap po kasi pag wala yong Mama ko, wala po, hindi ko po kaya. Yong Mama ko po ang nagsilbing mga paa at mga kamay ko,"



Kahanga-hanga rin ang tiwala ni Jaylen sa kanyang sarili at lakas loob na hinarap lahat ng mga pagsubok na kaniyang pinagdadaanan bilang isang PWD. Napuno siya ng mga panunukso at nabübülly sa eskwela dahil sa kanyang pisikal na kondisyon. Hindi siya nakakalakad at maging ang mga kamay niya'y apektado dulot ng sakit na poli0.  


"Paano kung bibitaw na ako, paano kung kahit sa kaunting dahilan susuko na ako. Kaya kahit na nahihirapan na ako at binübülly ng mga ibang tao at ng mga kababata ko, sinabi ko sa sarili ko na Jaylen wag kang susuko, kaya mo yan," 



Umabot noon sa punto si Jaylen na maging sa kanyang mga magulang ay nahihiya na siya, iniisip na baka dagdag pabigat pa siya sa kahirapan nila kung ipagpapatuloy pa niya ang pangarap niyang magtapos. 


"Napakasakit po sa kalooban ko na hindi na po ako makapag-aral, kaya gumawa po ako ng paraan. Nahihiya po akong sabihin sa mga magulang ko, kaya ang ginawa ko sinulatan ko po sila, nagmamakaawa ako na gustong-gusto ko pong makapag-aral. Kahit may kapansanan po ako pangako ko pong hindi ko kayo bibiguin," 


Solo si Aling Crestina sa paghahatid sundo kay Jaylen dahil parehas ng anak, hindi rin nakakalakad ng malayo ang Ama nitong si Mang Boy, dahil sa parehas silang tinamaan ng sakit na poli0 at dahil sa kawalan ng pampagamot ay napabayaan nalang na naging resulta ng kanilang pagkaparalesa. 


Araw-araw mula grade school hanggang sa makapagtapos si Jaylen ng kolehiyo, pasan-pasan ni Aling Crestina ang anak papuntang paaralan baon ang buong pagtitiwala sa kakayahan nito, kahit pa sa maraming mga negatibong opinyon ng ibang tao sa pagsasakripisyo niya kay Jaylen.  



"Huwag mo nang pag-aralin pa si Jaylen. Pagkatapos lang din naman mag-aral niyan wala namang trabaho, sa bahal lang. Wala ring maitutulong sa iyo," 


Maraming mga pagkakataong pinanghihinaan na ng loob si Jaylen at nais na sumuko nalang, ngunit nagbibigay lakas loob sa kanya lahat ng pagsasakripisyo ng Ina para lang maabot ang pangarap niya, pati ang matulungan ang pamilya na sana balang araw ay maiahon niya sa kahirapan at mabayaran lahat ng kanilang mga utang. 


"Kaya nga minsan gusto ko ng sumuko at bumitaw sa mga pangarap ko kaya lang nasa isip ko pano na ang pamilya ko at kahirapan namin,"


Inspirasyon rin si Jaylen sa lahat ng kanyang mga naging kaklase at saksi ang kanyang guro kung gaano siya kadeterminado sa pag-aaral. 



"Jaylen is really an inspiration to everybody. Siya yong tinitingna na "Uy kaya ngang gawin ni Jaylen how much more pa kaya tayo that we are able. Hindi siya makapaglakad ng maayos pero yung mga grades niya very competetive," ayon kay Reanne Pagaling, guro ni Jaylen.


Hindi mapantayan ang labis na pasasalamat ni Jaylen para sa kanyang Ina na nagsilbing paa at kamay niya sa mahabang taon. Katuwang niya at malaking parte sa tagumpay niya sa buhay.  


"Una sa lahat pinapasalamatan ko ang Panginoon dahil ikaw ang aking Ina. Kapos man ako sa mga materyal na bagay pero mayaman ako sa iyong pag-aalaga, suporta at pagmamahal," 


"Ma, maraming salamat sa pag-alaga sa akin. Mula noong ako'y Grade 1 hanggang Grade 12, nagsasakripisyo ka na sa paghatid sundo sa akin sa eskwelahan. At maraming salamat dahil sa kabila ng ating kahirapan sinusuportahan mo pa rin ako sa aking mga pangarap,"



`

"Ginawa mo ang lahat para makapasok lang ako sa paaralan. Nagtatatrabaho ka sa iba para lang may makain ako sa eskwelahan. Proud ako na kayo ang aking mga magulang, hinding-hindi ko kayo ikakahiya. Gagawin ko ang lahat upang hindi masayang lahat ng iyong pagsasakripisyo para sa akin," 


***

Source: KMJS

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!