Netizens nahabag sa magkapatid na nagtapos, ngunit wala ni isang kumuha ng graduation picture - The Daily Sentry


Netizens nahabag sa magkapatid na nagtapos, ngunit wala ni isang kumuha ng graduation picture





Bagong damit, bagong sapatos, bagong laruan, pera o gadgets!  


Ganito marahil ang natatanggap ng karamihan sa mga kabataan ngayon mula sa kanilang mga magulang at mga pamilya bilang reward sa kanilang pagpasa at matagumpay na pagtatapos sa pag-aaral. 


Tunay ngang masaya sana ang maranasan nila ang kahit sa maliit na paraan sa minsanang okasyon, ngunit hindi lahat nakakaranas ng ganitong saya. 



Parang sinusugatan ang puso, ganito inilarawan ni Christine Salas Bong ang kanyang nararamdaman sa kanyang nasaksihan habang dumalo ito ng isang graduation ceremony ng isang paaraalan sa probinsya ng Agusan del Norte. 


Aniya habang ang lahat ay abala at nagkakasiyahan sa pagkuha ng mga larawan sa mga nagsipagtapos bilang mga magandang alaala nila, nakita niya ang dalawang batang babae na nakaupo lang sa likuran, tahimik at nanunuod lang. 



Wala umano silang magulang at pamilya na kasama at tulad ng ibang bata gusto man nilang magkaron ng kuhang larawan sa kanilang pagtatapos ay wala naman silang magagamit na cellphone kaya nakikinuod nalang sa mga kaklase. 

 

"Kanina habang tinignan ko ang dalawang magkapatid, nakatingin lang sila sa ibang mga estudyante at pamilya na busy sa pagpipicture-picture," saad ni Christine sa kanyang post. 


"Sobrang sakit sa damdamin makita silang ganon dahil na-iimagine ko ang sobrang hirap na dinanas din ng aking mga magulang noong mga kapanahunan nila. Hanggang tingin-tingin lang din sa ibang may mga kaya sa buhay,"


Ramdam niya ang kagustuhan ng magkapatid ang makuhanan din ng larawan, kaya inalok niya ito na siya nalang ang mag-picture sa kanila na hindi naman nila tinaggihan at agad-agad na umakyat sa stage sa para sa kanilang larawan. 



"Wala akong ibang hangad kundi gusto ko lang maging memorable din sa kanila ang pag-graduate nila ng kapatid niya. Kahit pa man nasa unang yugto pa lang sila sa pag-abot ng kanilang pangarap, pero hindi matutumbasan ang mga magagandang ala-ala sa ganitong yugto ng kanilang pag-aaral,"


Marami ang nahabag sa pinag-dadaanan ng dalawang bata at hangad ng lahat na sana'y ipagpatuloy nila ang pagpupursige at kasipagan sa pag-aaral at balang araw lahat ng gusto na wala sila ngayon, abot kamay na mararanasan din nila lahat. 


Narito ang kabuuang post ni Christine: 


Bakit naman kasi may mga taong sobra-sobra ang yaman at meron ding mga taong nagkulang rin sa yaman. 


Kanina habang tinignan ko ang dalawang magkapatid, nakatingin lang sila sa ibang mga estudyante at pamilya na busy sa pagpipicture-picture. Picture dito, picture doon kasama ang kanilang mga magulang pero silang dalawa, nakaupo lang sa bandang likod. 


Sobrang sakit sa damdamin makita silang ganon dahil na-iimagine ko ang sobrang hirap na dinanas ng aking mga magulang noong mga kapanahunan. Hanggang tingin-tingin lang din sa iba na may kaya sa buhay. 


Papasok sa paaralan na walang suot na tsinelas, minsan punit punit 

ang suot na damit at puno ng putik kasi kailangan pa nilang dumaan sa palayan. Pumasok sa isip ko na ang swerte ko na sobra  kahit pa man sa mahirap na sitwasyon din namin, hindi namin nasubukan yung mga paghihirap na dinanas ng aking mga magulang dahil ayaw din nilang danasin namin yung sobrang kahirapan nila noon.


Nilapitan ko ang magkapatid at tinanong ko sila "Gusto niyo ba kuhanan ko kayo ng picture," at sa walang pag-aalinlangan sumagot sila ng "Oo Ate" at kitang-kita sa kanilang mga mukha ang tuwa't saya. 


At ako rin sobrang saya ko dahil kahit pa man sa maliit na paraan napasaya ko sila. Dali-dali silang tumayo at umakyat ng stage. 



Wala akong ibang hangad kundi gusto ko lang maging memorable din sa kanila ang pag-graduate nila ng kapatid niya. Kahit pa man nasa unang yugto pa lang sila sa pag-abot ng kanilang pangarap, pero hindi matutumbasan ang mga magagandang ala-ala sa ganitong yugto ng kanilang pag-aaral. At hindi rin basta-basta ang kanilang nararanasan. 



Kung umaulan lang ang pera ko, handa akong mag-sponsor ng scholarship sa inyong dalawa. Kaso parehas lang din tayo, bibigyan ko kayo ng kopya ng mga larawan yan lang ang kaya kong maibigay sa inyo. Pagbutihan niyo ang pag-aaral dhail hindi hadlang ang ating kahirapan sa pag-abot ng ating mga pangarap. Laban lang!


***

Source: Christine Salas Bong

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!