Netizen, nanawagan para sa isang matandang nagsisikap magbenta ng tinapay kahit malabo ang mata at hirap nang maglakad para sa tatlong anak - The Daily Sentry


Netizen, nanawagan para sa isang matandang nagsisikap magbenta ng tinapay kahit malabo ang mata at hirap nang maglakad para sa tatlong anak





Larawan mula sa Facebook post ni Ratchelle Ann Estanislao Reyes



Likas talaga sa mga Pilipino ang pagiging masipag at madiskarte kahit anong edad pa yan, kahit matanda na basta kaya pang maghanap-buhay para may ipang tustos sa araw-araw at para sa pamilyang umaasa.
 
Tulad nalang ng kwento ni tatay Carlito na nagtitinda ng banana muffins sa Bonifacio Global City o mas kilala sa tawag na BGC. 

 
Kamakailan lang ay nag viral ang post ng netizen na si Ratchelle Ann Reyes na nananawagan para kay tatay na sana ay bumili ang kung sino man na mapadaan sa lugar kung saan madalas mag tinda si tatay Carlito.
 
Ayon pa kay Ratchelle, si tatay ay madalas na nakapwesto sa Starbucks sa 34th street na katapat lang ng Citi Plaza sa BGC.
 
“This is tatay Carlito, he sells banana muffins for a living, 7 pieces for P100. You can find him in front of Starbucks 34th, just across Citi Plaza, BGC. He usually starts selling from 3PM onwards. " ayon sa caption 
 
Kwento ni tatay sa netizen, malabo na daw ang kanyang paningin at nahihirapan na ring maglakad. Ngunit kailangan niyang kumita dahil ang kanyang asawa ay walang trabaho sa kasalukuyan.*


Larawan mula sa Facebook post ni Ratchelle Ann Estanislao Reyes


 
Napag-alaman ni Ratchelle na bata pa ang tatlong anak ni tatay Carlito na nasa edad, lima, anim, at pitong taon.
 
“He told me he has poor vision and can’t walk very well, his wife doesn’t have work at the moment and they still have three young children to support (ages 5, 6 and 7). “ ayon kay Ratchelle
 
Kaya naman, sa labis na awa sa matanda, minungkahi ni Ratchelle sa kanyang mga kakilala sa Facebook at sa lahat ng makakabasa ng kanyang post ay sana bumili kay tatay.

 
Hindi naman daw mag sisisi ang mga bibili dahil talagang masarap ang muffins na tinda ng matanda.
 
“If you can, please do buy from him and support his small venture. The muffins are very tasty and filling, I swear!” pagtatapos ng caption ni Ratchelle


Larawan mula sa Facebook post ni Ratchelle Ann Estanislao Reyes


 
Sa kasalukuyan ay umabot na sa libu-libong shares ang post at komento, kaya tiyak na mas marami ang magiging suki ni tatay sa BGC.