Napakasakit malaman na pinagtaksilan ka ng taong minahal at pinagkatiwalaan mo sa mahabang panahon ng inyong pagsasama. Lalo na kung alam mo sa iyong sarili na wala kang pagkukulang at ibinigay mo naman ang lahat para sa inyong relasyon.
Photo credit to the owner
Sa China, nakakadurog ng puso ang sinapit ng isang mister matapos madiskubreng ilang taon na pala siyang niloloko ng kanyang misis.
Lumabas kasi sa paternity test na hindi pala siya ang ama ng tatlong anak na babae ng kanyang misis.
Sa ulat ng South China Morning Post, kinilala ang 45-year-old na lalaki na si “Chen” mula Jiangxi province.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Lagi umanong wala sa bahay si Chen dahil malayo ang pinagtatrabahuhan nito. Pero hindi niya raw inakala na magtataksil ang kaniyang misis na si Yu dahil madalas silang nagtatawagan sa telepono.
Pero nitong unang buwan ng taon, kinutuban na si Chen dahil napapadalas na raw ang pag-iwas ng kanyang misis sa mga tawag nito. Nais din daw ng misis na magtrabaho, ayon sa ulat ng Jiangxi Radio at TV Station sa China.
Dahil malayo si Chen sa pamilya, minanmanan ni Chen ang GPS sa telepono ni Yu at dito niya natuklasan ang pakikipagtagpo ng kaniyang misis sa hotel na may ibang lalaki na kasama.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Pero pinatawad pa rin ni Chen ang misis dahil nais niyang manatiling buo ang kanilang pamilya.
Gayunman, hindi na kinaya ni Chen nang malaman na pati ang dalawa pa nilang anak ay hindi rin pala sa kaniya.
Matapos ang rebelasyon, bigla na lamang nawalang parang bula si Yu at iniwasan na ang mga tawag ni Chen.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Umiiyak na nakapanayam ng local media si Chen.
"I’ve been married for 16 years and none of the three are my children. None of them was my own child,” saad ni Chen.
Matapos kumalat sa news ang interview kay Chen, nagpakita si Yu at nanindigan na hindi siya nagtaksil sa mister.
Aniya, gusto pa rin daw niyang mabuo ang kanilang pamilya at dapat ay intindihin siya ni Chen.
Photo credit to the owner
Binatikos din niya ang mister sa plano nitong ipa-divorce siya matapos na malaman na iba ang ama ng kanilang mga anak.
"I don’t think I cheated on him. Is biological paternity really important? Couples who are sterile adopt kids all the time," saad ni Yu.
Tinanong niya kung mahalaga ba na maging biological father ng kaniyang mga anak si Chen gayung siya ang tinatawag at kinikilalang ama ng mga bata.
"Please try to empathize with me. The three children called him ‘dad’ for many years, but now he says the daughters are not his own. What is the difference between him and an animal?" dagdag nito.
***
Source: Philstar Life