Walang katapusan ang pagmamahal at suporta ng mga ama para sa pangarap ng mga anak. Sila mismo bilang mga magulang ang pinakaunang sumusuporta at nagtitiwala sa kakayanan ng kanilang mga anak.
Naantig ang mga netizens sa isang tagpong ibinahagi ni Rico Martinez, ang manager ng tindahan ng mga sapatos sa Polangui, Albay.
Pinahanga siya ng isang Ama na si Tatay Ramon Samuela Brina mula sa Brgy. West Carisac, Libon, Albay, dahil kahit pa hirap ito sa kanyang kapansanan ay buong-buo parin ang suporta sa pangarap at hilig ng anak sa pagbabasketball. Kaya sinisikap niyang maibili ito ng magagamit ng sapatos.
Matagal niyang pinag-iipunan ng paunti-unti mula sa kinikita niya sa pagiging barbero ang pinambili niya ng sapatos para sa anak. Bata pa lamang daw ay pasan niya na ang pagsasaklay dulot ng napabayaang sakit na p0lio.
"Anak! kahit Ganito ako sisikapin ko na ma bigyan kita ng sapatos na may kalidad at gusto mo dahil proud ako na ikaw Ang aking anak .. love you nak! ❤️❤️,"
Mabait at mapagmahal umano ang anak ni Tatay Ramonb at ramdam niya na kahit pa sa kalagayan niya na hirap sa paglalakad ay ipinagmamalaki siya nito.
"Salamat sa lahat ng suporta sa paglalaro ko ng basketball at sisikapin ko po na maging proud kayo saakin at proud na proud po ako na kayo po naging tatay ko !!. I love pa! ❤️❤️"
Matapos mag-viral ang naturang post na ito, may mga tumulong sa kanilang mag-aama at pinadalhan ang dalawa niyang mga anak ng tig-iisang bagong sapatos at bola.
"Mariming salamat poh more blessing to come sir masayang masaya ung dalawang anak ko poh sa binigay nyo poh sakanila god bless poh sir sa lahat Ng family mo poh sa asawa mo at mga anak nyo poh sir,"
Pinapupurihan din ng mga netizens ang pagiging dakilang ama ni Tatay Ramon sa kanyang mga anak, dahil kahit pa sa pisikal na pinagdadaanan nito, hindi kailanman nawala sa kanya ang pagiging isang tunay na responsable at mapagmahal na ama.
***
Source: Chosen Few Polangui
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!