Matatandaang nag viral ang video ng isang tindera na nagsasalin
ng tubig sa bote ng isang mineral water mula sa isang Styrobox cooler.
Ayon sa uploader na si Virmil Talattad, kinunan niya ng
video si nanay nang maka tatlong bote na ito habang siya naman ay bumibili ng
buko juice sa katabing tindahan.
Base sa video, nilalagay ng tindera sa hiwalay na box ang boteng
kanyang sinasalinan na hiwalay sa mga paninda niyang tubig na naka display sa kanyang
harapan.
Ang nasabing video ay umabot na milyun-milyon na views sila
ng ito ay ma-upload ni Talattad.
Dahil dito, agad na nagbigay ng pahayag ang brand ng mineral
water na Hidden Spring na nakita sa naturang video.
Iginiit ng kumpanya na ang kanilang mga produkto ay iprinoseso
at nililinis nang husto sa planta na may mataas na kalidad.
Ang kanilang mineral water ay sumusunod umano sa pinakamataas
na kalidad ng pamantayan ng Food and Drug Administration upang makasigurado sa
kaligtasan ng mga mamimili.
Pinayuhan din nila ang mga konsumer na suriin muna kung
selyado ang takip ng bote na kanilang nabibili na mineral water upang
makasiguro na ito ay hindi napalitan.*
At kung hindi na ito selyado o sira ang bote, maaari itong
ibalik sa pinagbilhan upang mapalitan.
Ayon naman sa ulat ng GMA News, ang tindera ay si Bebita
Manigos, 74-anyos, na taga Cainta, Rizal.
Paliwanag ng tindera, ang mga boteng kanyang sinalinan mula
sa styro cooler ay hindi niya binebenta kundi ito ay kanyang pinapaligo dahil
sa mainit ang panahon.
Masama naman ang loob ng tindera sa nagupload ng video dahil
hindi man lang daw muna siya tinanong kung para saan ang kanyang sinasalin na
tubig.
Aminado naman ang uploader sa kaniyang pagkakamali na hindi
agad siya nagtanong kaya siya ay humihingi ng paumanhin sa matandang tindera.
Ayon kay Talattad, wala umano siyang masamang intension at
nais lang niyang magpaalala sa publiko, "sorry po kay nanay, pasensya
na"
Nangako naman si nanay na hindi na siya magsasalin ng tubig
sa bote ng mineral water.