Larawan mula kay Emmanuel at Mary Ann Borbon |
Sa panahon ngayon ay marahil mapapansin ng karamihan saatin ang malaking ipinagbago ng mga kabataan noon at mga kabataan sa panahon ngayon.
Kung dati ay halos lahat ng kabataan ay tinuturuan sa mga gawaing bahay tulad ng paghahanda ng pagkain sa lamesa, paghuhugas ng mga pinagkainan, pagwawalis sa loob at labas ng tahanan at marami pang iba, sa henerasyon naman ng mga kabataan ngayon ay tila wala ng pakialam sa mga gawaing bahay at mas madaming oras na ang kanilang ginugugol sa paghawak ng mga gadgets.
Ngunit mayroon pa rin naman mga bata ngayon na mas gusto parin ang makatulong sa kanilang mga magulang at nagsusumikap sa buhay katulad na lamang ng dalawang magkapatid na sina Manuelita at Micko Borbon.
Larawan mula kay Emmanuel at Mary Ann Borbon |
Larawan mula kay Emmanuel at Mary Ann Borbon |
Sa isang post ng netizen sa social media ay ibinida nito ang magkapatid na sina Manuelita at Micko Borbon dahil nakakabilib ang kanilang angkin na kasipagan.
Ayon sa Facebook post, pagkatapos pumasok sa paaralan ay imbes na makipaglaro ang magkapatid na ito ay diretso na si kaagad sila sa pwesto ng kanilang mga magulang upang tumulong sa pagaayos ng mga sirang sapatos.
Napag-alaman na ang masisipag na magkapatid na ito ay pawang 13 taong gulang at 12 taong gulang lamang na nasa ika-walo at ika-pitong baitang mula sa paaralan ng Palawan National High School.
Larawan mula kay Emmanuel at Mary Ann Borbon |
Ang kanilang pwesto na shoe repair ang pangunahing pinagkukunan ng kanilang pang araw-araw na gastusin na pinangungunahan ng kanilang mga magulang na sina Emmanuel at Mary Ann Borbon.
Sa ganitong trabaho ay hindi naman madalas ay maraming nagpapagawa sa kanila ng sapatos kung kaya naman minsan ay pinagkakasya na lamang nila ang pagkain na meron sa kanilang lamesa.
Larawan mula kay Emmanuel at Mary Ann Borbon |
Ngunit ganoon pa man ay wala pa rin palya ang magkapatid sa pagtulong sa kanilang mga magulang kahit na sila ay pumapasok sa paaralan.
Talaga nga naman nakakabilib ang ipinapamalas na ugali ng magkapatid na ito dahil sa murang edad at makikita mo na ang kanilang disiplina sa sarili at pagiging responsable sa buhay.
Pagbabahagi naman ng kanilang butihing ina ay noon pa man ay masisipag na ang dalawang magkatid na ito at talagang tumutulong sila sa mga gawain tulad nito.
Ayon pa sa kwento ng kanilang mga magulang dahil sa madalas manuod ang magkapatid na ito kapag nagaayos ang kanilang mga magulang ng sirang sapatos ay natuto na sila kahit hindi na sila turuan.
Dahil ang ipinamalas na kasipagan ng magkapatid na ito ay nakarating sa kanilang prinsipal sa paaralan ang ginagawa ng magkapatid kung kaya naman nangako ito na tutulong sila sa abot ng kanilang makakaya.
Larawan mula kay Emmanuel at Mary Ann Borbon |
Sana ay maging inspirasyon sila ng madaming kabataan ngayon, ay imbes na magbabad sa paglalaro ng computer games ay tumulong na lamang sa mga gawaing bahay.