Mag-asawang nanirahan sa kulungan ng baboy, nagtulungan at nagsikap hanggang sa magkaroon ng sariling bahay - The Daily Sentry


Mag-asawang nanirahan sa kulungan ng baboy, nagtulungan at nagsikap hanggang sa magkaroon ng sariling bahay



Larawan mula sa Facebook post ni Raymond Soledad




Huwag mag-aasawa ng hindi handa, iyan lagi ang bilin ng matatanda lalo na ngayon na mahirap ang buhay at mahal din ang mga bilihin. At kung wala kang sariling bahay, mas lalong mahirap dahil kailangan mong magbayad ng renta kung nais mong bumukod sa magulang.

 
Ganito ang kwentong binahagi ng netizen na si Raymond Soledad sa isang sikat na online group.


 
Binahagi ni Raymond na nag-asawa siya nang hindi handa, kaya napilitan siya ng kanyang misis na tumira sa maliit na barong-barong na may 6sqm lang ang sukat na ayon sa kanya ay dating kulungan ng baboy.


Larawan mula sa Facebook post ni Raymond Soledad


 
Para pansalama ay may tutuluyan sila nang hindi nagbabayad ng renta ay nilinis umano nila ang kulungan ng baboy upang maging pansalamang tahanan habang sila ay nagiipon.


Larawan mula sa Facebook post ni Raymond Soledad


 
“Share ko lang po kahit nakakahiya…Nagsimula kami ng misis ko dito sa maliit na barong-barong (6 sqm.) kulungan po ito ng baboy nilinis lang namin para may matirhan kami ng walang babayaran na renta dahil wala po kaming pera or ipon nun. “ panimula ni Raymond sa kanyang post 

 
Isang taon silang nanirahan sa kanilang munting tahanan hanggang sa makapanganak ang kanyang misis. Dito, naranasan pa nila na matangay ng bagyo ang bubong ng kanilang barong-barong.


Larawan mula sa Facebook post ni Raymond Soledad

 

“Dito kami tumira ng 1 taon hanggang manganak yung misis ko. Isang gabe, madaling araw nun.. umulan ng malakas nasira yung bubong, bumagsak yung insulation na nilagay ko sa yero kasama ang tubig ulan at mga maliit na daga. Naglagay lang ako ng tolda sa bubong para di mabasa yung baby namin. “ baliktanaw ni Raymond


Larawan mula sa Facebook post ni Raymond Soledad


 
Dahil dito, narealize din niya ang hirap ng buhay may asawa ngunit hindi ka handa dahil wala kang ipon.

 
Gayunpaman, nagsilbi itong aral sa kanya at inspirasyon para tulungan ang sarili na umangat, kaya naman ay nagsikap silang mag-asawa para makaipon.


Larawan mula sa Facebook post ni Raymond Soledad


 
At sa loob ng limang taon ay proud na proud niyang binahagi sa mga netizen ang simula ng katuparan ng kanyang pangarap.


 
“Nakakalungkot ang hirap pala mag pamilya ng di kayo handa. Kaya simula nun nangarap kami ng asawa ko na magkaroon ng mas maayos sa matutuluyan para sa anak namin. “ aniya


Larawan mula sa Facebook post ni Raymond Soledad


 
“Sa loob ng 5 taon, namin pagsasama, nagtrabaho kami mabuti nag ipon at ito na nga, nagkaroon nadin kami ng sariling bahay simple at maliit lang pero sobrang thank you Lord dahil tinulungan nya kaming pamilya. “ dagdag pa ni Raymond