Photo credit to Royce Albert Villaruel Grey | Facebook |
Sa panahon ng kagipitan, sadyang kahanga-hanga ang mga taong pinipili pa ring tumulong sa kapwa kahit na sila mismo ay may pinagdaraanang hirap sa buhay. Na kahit na hindi mayaman at simple at sakto lamang ang pamumuhay ay hindi pa rin nag-aatubiling tumulong sa iba.
Tulad na lamang ng kwento ng Ilonggo magician na sobrang hinangaan dahil sa ipinakitang kabutihan sa mag-asawang basurero na kaniya diumanong pinakain sa isang fast food chain.
|
Ayon sa good samaritan na si Royce Albert Villaruel Grey, isang araw ay nadaanan niya ang mag-asawa sa kanilang lugar at nakita niya na umiiyak ang babae. At habang papalipat na siya sa mag-asawa ay narinig niya na kaya pala ito umiiyak ay dahil sa sobrang gutom dahil hindi pa sila kumakain sa loob ng dalawang araw. Kaya naman sa sobrang awa ay hindi nagdalawang-isip na lapitan ni Royce Albert ang mag-asawa at niyayang kumain ang mga ito sa isang sikat na fast food chain.
Aniya 'last money' na lang ang laman ng bulsa niya noong araw na iyon, ngunit hindi siya nag-atubiling ipanglibre na lang ng pagkain ito sa mag-asawa dahil para sa kanya hindi mapapantayan kailanman ng kahit anong halaga ang kaligayahan na nadarama niya sa tuwing tumutulong siya sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.
Photo credit to Royce Albert Villaruel Grey | Facebook |
Narito ang kanyang post:
"SHARE KO LG GUYSS!!
Im on my way to oton pra magsugat sa akon mega nga c Grace I. Caligan sang nakita ko ang mag asawa nga ga ukay basura sa brgy. San Rafael Manduriao gn kdtoan ko cla kg gn istorya ky nkita ko ang bayi ga hibi na ky nabatian ko storya nla duwa na ka adlaw wla cla ka kaon then wla nko nag duwa2 gn agda ko cla mag kaon sa Mc do and priceless ang ila smile .. bsan ang unod sang bulsa ko last money ko na lg gd I still choose to share it with them nakakataba lg ng puso pg my natulongan ka ..
Thanks a lot to all the staff of mc do in front of seda hotel ky wla gd cla ga pili costumer ....
Bsan damo ta problema if kaya ta mag bulig buligan tgd .. Godbless everyone keepsafe ..
#hustlehardstayhumble
#hustlesquad"