Dito sa Pilipinas, maraming mga bata ang makikitang namamalimos sa kalsada. Ang ilan naman ay nagtitinda ng kung ano-ano katulad ng basahan, sigarilyo o sampaguita.
Photo credit: Rhyzz Canasa-Balanday
Ginagawa nila ito upang makatulong sa kanilang pamilya o kaya naman ay upang magkaroon ng sarili nilang pera na magagamit sa kanilang pag-aaral.
Minsan, may ilang mga motorista na mahilig bumili sa mga batang nagtitinda. Siguro ay dahil naaawa sila kaya gusto nilang makatulong kahit sa simpleng pagbili lamang ng kanilang mga paninda.
Kaya naman ang ilang mga bata ay nagkakaroon ng suking motorista.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Para sa mga batang kalye, mabilis nilang matandaan ang mga taong tumutulong sa kanila lalo na kung paulit-ulit itong bumibili ng kanila.
Samantala, mabilis na nag-viral sa social media ang Facebook post ng netizen na si Rhyzz Canasa-Balanday matapos niyang muling makita ang dating batang kanilang binibilhan ng sampaguita.
Photo credit: Rhyzz Canasa-Balanday
Photo credit: Rhyzz Canasa-Balanday
Kuwento ni Rhyzz, nasa Jolibee Junction Baliwag umano sila upang kumain. Habang hinihintay nilang matapos linisin ng isang crew yung lamesa nila ay napatanong ang kanyang asawa “kng nasan na kaya yung batang sampaguita vendor n laging nag aalok samin ng sampaguita every time n kakain kami dun or mag papa gas sa shell oh mag grocery sa puregold.”
Bigla nalang daw sumagot yung crew at sinabing siya yung batang binibilhan nila noon ng sampaguita.
"wala na po sya kasi po andito na po ako sa loob,” sabi ng crew.
“Lesson learned: basta masipag ka at may pangarap lahat posible. Hndi na ko mag tataka kung one day manager na sya,” sabi naman ni Rhyzz.
Sa ngayon ay umabot na sa 173k reactions at 24k shares ang post ni Rhyzz.
Basahin ang buong post sa ibaba:
“So nag dinner kmi kanina ng asawa ko sa Jollibee junction baliwag. Ang daming tao halos wala ng vacant na table. Tapos may isang vacant table n puno pa ng food waste tapos my isang crew n lumapit para linisin. While waiting na ma cleanup ung table tinanong ako ni husband kng nasan na kaya yung batang sampaguita vendor n laging nag aalok samin ng sampaguita every time n kakain kami dun or mag papa gas sa shell oh mag grocery sa puregold. Tapos biglang sagot ng service crew, "wala na po sya kasi po andito na po ako sa loob". Turn out na yung crew n nag lilinis ng table nmin ay yung batang sampaguita vendor n suki nmin. Lesson learned: basta masipag ka at may pangarap lahat posible. Hndi na ko mag tataka kung one day manager na sya.”
***
Source: Rhyzz Canasa-Balanday | Facebook